Chapter 9
‘Of All People, Why You?’
[ERAH's POV]
Kakatapos lang ng group presentation namin sa English. So far, okay naman ‘yung nakuha naming grade. ‘Di na rin masama ang makakuha ng 92 sa project. Maganda raw kasi ‘yung mga props na ginawa namin saka maayos ‘yung pagkaka-execute sa report. Buti naman dahil worth it naman pala kahit na nagdrama na naman ako nung linggo.
Naalala ko na naman tuloy ‘yung nangyari…
"Sige, iiyak mo lang ‘yan. Para naman kahit papano, mabawasan ‘yung sakit." Sabi sa ‘kin ni Drake habang naka-yakap siya sa ‘kin.
Iniyak ko lang lahat sa kanya, kahit na medyo nakakahiya na kasi ‘di naman kami masyadong close.
Siguro, mga 10 mins. din ata akong umiyak dun. Tumigil na ako kasi naramdaman kong medyo gumaan na ang pakiramdam ko kahit papaano.
"Sa—salamat." Sabi ko sa kanya habang pinapahid ‘yung mga natitirang luha sa mukha ko gamit ang aking mga kamay.
"Oh, panyo. Mukhang kailangan mo ‘to eh."
Inabutan niya ako ng handkerchief. Kinuha ko naman ito.
"Salamat ulit." Sagot ko matapos tanggapin ‘yung panyo.
"Okay ka na ba?" Taong niya.
"Medyo gumaan na ‘yung pakiramdam ko."
Sinikap kong ngumiti kahit na mahirap. Ganun naman ako lagi eh, ngumingiti kahit na masakit.
"Mabuti naman. Tara."
Hinatak niya ‘ko sa wrist ko at hinatak paalis ng subdivision.
Napatingin ako sa paligid, wala na pala sila. Mabuti naman at umalis na sila.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng subdivision.
"Ililibre kita ng ice cream."
-
Ilang sandali lang, namalayan ko nalang na nasa tapat na pala kami ng isang ice cream parlor na nagngangalang “Fluffy Creams”.
"Tara sa loob." Yaya niya. Sumunod naman ako.
"Good evening Sir!" Bati sa kanya ng isang staff.
"Mukhang kilala ka ata rito ah." Sabi ko kay Drake.
"Madalas kasi ako dito, lalo na kapag masama ang loob ko. Comfort food ko kasi ang ice cream."
‘Di ko alam ‘yun ah? Sabagay. Nakakabawas ng stress ang pagkain.
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"