"Don't let your happiness depend on something you may lose."
---xxxAkala ko noon, siya na talaga.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil pinaghiwalay niya kaming dalawa.
~
She's my everything.
But then, she left me with my heart—broken.
Still, I'm willing to wait for her.
Chapter 10
‘The Man Who Can't Be Moved’
"Wag mo ‘kong iwan... please."
"I'm sorry. But I have to."
"Hindi ba pwedeng, dito ka nalang?"
"I'm so sorry, but I can't."
"What? Is this because of him?"
Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin—at nakikita ko sa kanyang mga mata ang awa.
Awa.
Naaawa nalang ba siya sa akin, kaya ba pinapatagal pa niya 'to?
Alam ko na namang hindi na niya ‘ko mahal eh. Pero ayos lang, kasalanan ko rin naman kasi.
“So… siya nga? Dahil sa kanya, hindi ba?”
"Sorry, Ivann. We need to break up."
Pagkasabi niya nun, pinikit niya ang kanyang mga mata kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha.
Huminga ako ng malalim, pinipilit na pigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak.
"Fine. But Before I let you go, I have a question. Do you still love me?"
"I loved you. I still love you—but now, only as a friend."
LOVED.
Past tense. Ibig sabihin, NOON at hindi na ngayon.
"Mahal mo na siya, hindi ba?"
Tumango lang siya.
Fvck.
Parang piniga at dinurog ng paulit-ulit ‘yung puso ko.
Masakit malamang may mahal siyang iba.
Pero mas masakit ‘yung katotohanang… hindi niya na ako mahal.
Masakit man sa loob ko, pero kung 'yun ang ikaliligaya niya...
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"