Chapter 45
‘My Best Friend’s Girlfriend’
[STANLEY’s POV]
“Nandito na tayo.”
Pumarada na ako sa parking lot at inihinto ang kotse. Nandito na kami ni NicNic sa tapat ng Coffee Shop. May ipapakilala raw kasi siya sa ‘kin—pinsan niya raw. Bumaba na ako ng kotse at pinagbuksan ng pintuan si NicNic.
“Tara na sa loob?” I said and then I offered my arm to her. Tumango lang siya tapos kumapit na sa braso ko. Nagsimula na kaming maglakad papasok ng coffee shop.
Dahan-dahan kaming naglakad papalapit sa isang table. ‘Di ko lang sigurado kung do’n nga kami patungo. May isang babaeng naka-upo r’on. Nakatalikod siya kaya ‘di ko maaninag ‘yung mukha niya. Baka ‘yun na ‘yung ipapakilala ni NicNic na pinsan niya.
“Babae pala ‘yung pinsan mo.” Sabi ko habang patuloy kami sa paglalakad. Ilang hakbang na lang at nando’n na kami sa table.
“Ah, yeah.” She answered and then she looked away. Napakibit-balikat na lang ako.
Patuloy lang kami sa paglakad. Huminto kami noong nasa harap na kami ng table kung saan nakaupo ‘yung babae. Mukhang siya nga ‘yung ipapakilala ni NicNic.
Dahan-dahang humarap sa ‘min yung pinsan ni NicNi—tangina. Akala ko ba pinsan niya ang ipapakilala niya? E bakit, siya ‘yung nandito? Pinagloloko ba nila ako? Bullshit.
“Anak…” Sabi niya.
Ang kapal ng mukha niyang tawagin akong anak matapos ng lahat ng nangyari. Matapos niya kaming iwan para sa ibang lalaki. Nakakagalit. Napakuyom ako ng palad.
“Shit.” Hindi ko na napigilang magmura. Tangina talaga.
Napalingon ako kay NicNic.
“Pinsan pala huh.” I whispered. Tapos sinamaan ko siya ng tingin.
“Ah—he he he.” Tae, halatang pilit na pilit ‘yung tawa niya.
Lalo ko lang siyang sinamaan ng tingin.
Ayokong magalit kay NicNic pero hindi ko mapigilang mainis. Hindi ko gusto ‘yung binabalak niya at hindi ako natutuwa sa mga nangyayari ngayon.
“Pinaglololoko mo ba ‘ko? Bullshit. I have no time for this crap.” I said with gritted teeth. Parang biglang namutla yung mukha ni Hani. Mukhang natakot ko ata siya. Takte naman kasi.
“P—peace tayo. Re—relax ka lang, magpapaliwanag ako!” She said while stammering then she smiled. Tss. Ngumiti pa, halata namang pilit. Hindi ako madadaan sa pangiti-ngiti. Pusha.
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Novela Juvenil[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"