[49] Jealous Streak

5.2K 98 12
                                    

Chapter 49

‘Jealous Streak’

 

“Kasing lakas man ng alak ang tama ko sa ‘yo, ‘wag kang mag-alala… darating din ang araw na isusuka rin kita.”

---xxx

Dali-dali akong nagtungong banyo matapos kong mabasa ‘yung text message ni J. Kaasar! Kung kailan naman nagmamarathon ako ng anime, saka pa ako inistorbo! ‘Di bale na!

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako ng matinong pang-alis. Ang arte kasi ni J e, ‘wag daw akong magsuot ng simpleng jeans at t-shirt lang, kaya napa-porma pa tuloy ako. Nag-apply na rin ako ng konting make-up at nagsuot ng accessories para maligayahan siya. Binilisan ko ‘yung kilos ko kasi urgent daw. Bumaba na ako ng hagdanan para magpaalam kay Kuya.

Muntik pa akong matumba sa hagdanan dahil sa di-inaasahang eksenang nadatnan ko.

“WHAT THE HELL? ANO BA ‘YAN KUYA! Do’n nga kayo sa kwarto! Sheez, my virgin eyes!” ‘Di ko napigilang isigaw. Ikaw ba naman may madatnang make-out session sa living room niyo, ‘di ka magugulat? Takte. SPG alert! Kung ‘di ko siguro sila nakita, baka nag-sex na sila r’on sa couch! Geez.

Agad naman silang tumigil sa paghahalikan at kumalas sa pagkakayakap sa isa’t isa. ‘Yung babae naman, tumingin lang sa ‘kin na parang sinisipat ‘yung pagmumukha ko.

Okay?

“Tss. Badtrip naman, panira ka talaga ng eksena! Nag-eenjoy na ‘ko e. Psh.” Naiinis na sabi ni Kuya sabay tayo. “Ano bang kailangan mo? Saka saan ang lakad mo?” He asked.

“Magpapaalam lang sana ako. May aasikasuhin lang ako. Pupunta lang kami ni J sa SM.” Sabi ko habang nakatingin ako sa babaeng nakahalikan ni Kuya. She looks cute and innocent. ‘Yung tipong mapapagkamalan mong conservative. Well, looks can be deceiving. And bukod doon, parang may kamukha siya…

Napatigil ako sa pagtitig sa babae when Kuya spoke.

“Ge. Basta ba ‘wag kang magpapagabi.” He said. Tumango lang ako, tumalikod at lumabas ng bahay.

Paglabas ko ng bahay, nadatnan ko si J na nakasandal sa kotse niya.

“Ang bagal mo talaga kumilos! Tara na!” He said. “Buti naman at nag-ayos ka. At least hindi na mukhang tomboy ang ka-date ko.” Dagdag niya pa sabay tawa ng pang-asar. I glared at him. Buti na lang at tumigil siya sa pagtawa kundi baka nasapak ko na siya.

Tsk. Tomboy daw… mukha ba talaga akong ganun? Tss.

Sumakay na kami ng kotse niya at pinaandar ito papuntang SM.

“Saan daw ba magkikita-kita?” I asked while he’s driving.

“Sa Starbucks.” Sagot niya nang hindi nakatingin sa ‘kin.

“Ahh.” ‘Yun lang ang nasabi ko. Kinuha ko ‘yung earphones ko, sinalpak ito sa tenga at nakinig ng music.

It Started With FLAMES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon