Chapter 12
‘The Bet’
July na ngayon.
At isang linggo na rin ang nakararaan mula nang mangyari ‘yun. Isang linggo na ring tahimik ang buhay ko. Isang linggo na akong stress-free.
Alam kong naguguluhan kayo kung ano nga bang nangyari last week. Para maliwanagan kayo… let me take you back where it all started.
June 28 20**.
Thursday ngayon. Meaning, may pasok. At dahil napasarap ang tulog ko kasi ginabi kami ng uwi kahapon, kasalukyan akong tumatakbo ngayon papuntang school. Late na kasi ako.
Hay nako! Kung bakit kasi sumama ako dun kila Erah! ‘Di bale na nga!
Binilisan ko nalang lalo ang takbo ko para makaabot ako.
Matapos ang mahaba-habang marathon, sa wakas ay nakarating din ako sa tapat ng room namin.
Grabe, pinagpawisan ako doon ah!
Pinunasan ko ang namuong pawis sa aking noo. Tumingin ako sa aking wrist watch—8:13am na pala! Meaning, English time na at pangalawang subject na.
Shet.
Hindi na ako nag-abalang kumatok pa. Binuksan ko na agad ang pinto. Hinakbang ko na ‘yung kaliwang paa ko papa—
"MS. MENDEZ! YOU'RE LATE!" Pambungad ni Ma'am Escobar.
Awww! Maka-bulyaw naman ‘tong si Ma'am! Mukhang masama ang umaga ngayon ni Ma'am at ako pa ang napag-buntungan. ‘Di naman yan ganyan kahit na may late eh.
"Good morning po Ma'am! Sorry, I'm late!" Bati ko sabay tungo ng ulo ko pagkatapos kong magsalita.
Ihanda mo na ‘yang tenga mo, Xhayne. Mukhang bad mood pa naman si Ma'am ngayon!
"Anong oras na hija?" Mataray na tanong ni Ma’am.
Uh-oh. That tone. Sounds like I’m in trouble!
"Uhh. 8:15am po?" Sagot ko. Napakagat ako sa labi ko. Kinakabahan ako!
"8:15 na. So meaning, second period na. AT LATE NA LATE KA NA. Hindi ko na ‘to pwedeng i-tolerate. Honor student ka pa naman tapos late kang pumasok? Tsk. Tsk."
Ayan na, ayan na! Humanda ka na Xhayne sa matatanggap mong parusa!
"Sorry po talaga Ma'am. Hindi na po mauulit!" Paghingi ko ng tawad.
Ihahakbang ko na sana ‘yung kanang paa ko papasok nang muling magsalita si Ma’am.
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"