Chapter 29
‘Jealous?’
Simula nang aminin ko sa sarili kong gusto ko siya, napansin kong nagiging weird na ako lately. Gaya na lamang ngayon. Hindi ko alam kung bakit ko naisipang maglagay ng make-up samantalang wala naman akong lakad o okasyon na pupuntahan. Papasok lang naman ako ng school. Baka akalain pa nilang maarte ako or kung ano pa man. But the hell I care. Hindi naman masamang mag-ayos paminsan-minsan, ‘di ba?
"Naks Bes. Naka-make up ka? Saan ang lakad natin?" Tanong sa 'kin ni Erah na para bang nang-aasar.
Kakarating ko lang sa kanila—sabay kasi kaming maglalakad papasok ng school.
"Ah yeah. Eh ano naman ngayon? Masama?"
"Hindi naman. Nagulat lang ako. Knowing you, hindi ka naman mahilig mag-make up. Maliban na lang kung may okasyon o lakad kang pupuntahan, mapipilitan kang mag-make up. Papasok lang naman tayong school ah?" She said while raising her eyebrows.
"Tss. Masama na bang mag-ayos kahit minsan lang?"
"Hindi naman. Nagulat lang talaga ako. But anyway, bagay naman sayo kaya okay lang." Sagoti niya tapos nagsmile siya. Scratch that, nag-smirk pala siya. Then siniko niya ako sa may tagiliran at nagsalitang muli. "Tell me Bes, nagpapaganda ka ano? Nagpapaganda ka para kay EXZEN. Umamin ka na." Dagdag niya pa. Hindi pa rin nawawala 'yung smirk sa mukha niya.
Ugh.
Nakakainis! Nakakainis kasi… tama siya.
"Tch. Hindi ah! Nagpapaganda ako para sa sarili ko." I denied.
'Yun ang isinagot ko. Ewan ko ba, siguro kasi ma-pride ako. Sinabi ko kasi dating ‘di ko na siya gusto kaya ayokong ipaalam sa kanyang tama siya.
"Sus, hindi raw! Deny ka pa! Alam ko namang gusto mo siya."
Kailangan i-emphasize pa 'yun? Alam ko na naman 'yun, ‘wag na niyang ipa-mukha pa. Tss.
Then lumapit siya sa 'kin at hinawakan ‘yung necklace na bigay ni Exzen. Yeah, suot ko ‘yun ngayon.
"Tuwang tuwa ka pa d'yan sa bigay niyang necklace. Letter X pa talaga, eh? X couple kasi kayo. XEN and XHAYNE. O ‘di ba, bagay talaga kayo! Wahaha. Ano, deny ka pa?" Dagdag niya pa sabay bitaw sa pendant ng necklace.
At para tumigil na siya sa pangungulit...
"FINE! I LIKE HIM, period. Gusto ko LANG siya, at hanggang doon lang 'yun. Nothing more, nothing less. Masaya ka na?" Medyo naiinis 'kong sagot sa kanya. Kainis! Napaamin tuloy ako. Tsk.
Gusto ko siya. Totoo 'yun. Wala na akong balak pang magpatuloy sa pagdedeny nitong nararamdaman ko. Matagal ko na siyang gusto, ayaw ko lang talagang aminin sa sarili ko. ‘Yun nga lang, ‘yung pagkagusto ko sa kanya ay lalong lumala nung naging close kami. Posibleng umabot sa point na mahalin ko siya pero… ayokong mangyari ‘yun sa ngayon. ‘Wag muna. Hindi pa ako handa. Saka hindi naman ako nakasisigurado na kapag nahulog ako sa kanya, sasaluhin niya ako. Kaya I tried to stop my feelings for him by pretending to be mad just because napahiya niya ako noong first day of school. I kept on denying kahit na alam ko naman sa sarili kong gusto ko talaga siya at hindi nagbago nor nabawasan 'yun. Wala eh, malakas ang epekto ng kumag na 'yun sa 'kin. Hay ewan! Nababaliw na ako gawa niya—kasalanan niya 'to! Tsk.
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Novela Juvenil[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"