Chapter 59
‘Is This The End?’
[ERAH’s POV]
Mabilis na lumipas ang mga araw. Sumapit ang March. Ahead ng one week ang Final Examination ng fourth year sa lower years sa kadahilanang graduating kami at marami kaming dapat asikasuhin. Naka-survive naman ako sa finals kahit na medyo nahirapan ako sa Trigonometry, Calculus at Physics. The next days, naging busy kami kakaasikaso sa mga projects, school clearance, at requirements para sa university na papasukan namin. Ilang araw nalang, gagraduate na kami. In less than three months, college students na kami.
Ang bilis ng panahon.
Gayun pa man, kahit na naging busy kami lately, hindi pa rin nawalan ng panahon ang barkada para sa isa’t isa. Nagha-hang-out pa rin kami, nagja-jamming sa bar, at gumi-gimmick pa rin kami kapag walang masyadong ginagawa.
Kaso nga lang, nitong mga nakaraang araw, may naramdaman akong kakaiba.
Parang may mali.
Kagaya nalang kahapon. Habang nagche-check kami ni Bes ng test papers sa office ni Ma’am Aguilar…
“Hey Bes, okay ka lang?”
Napatigil siya saglit sa pagche-check ng test papers. Tapos tumingin siya sa ‘kin.
“Yeah. Bakit?”
“You seem off lately. Parang wala ka lagi sa sarili. Is there any problem?”
Umiling lang siya. Napabuntong-hininga ako.
“Ayos lang ako. Sinisigurado ko ‘yan sayo.” Then she smiled.
Siguro nga napa-paranoid lang ako. Last week naman, okay pa siya. Pero nung Monday… parang biglang may nagbago. Hindi ko lang sigurado kung may problema ba talaga or masyado lang akong nag-o-overthink. Nitong mga nakaraang araw kasi, tahimik lang siya. Tapos madalas ko siyang nahuhuling nakatulala at parang may malalim na iniisip. Kapag tinatanong ko siya kung anong problema, lagi niyang sagot ay “wala” kahit na mukhang mayroon. Tapos hindi siya sumama sa mga hang-out/gala/gimmick namin nitong nakaraan. E lagi naman siyang sumasama noon. Inintindi na lang namin. Baka kasi busy lang talaga siya.
“Really?”
“Okay lang ako Bes. Trust me.” Pag-a-assure niya.
“Basta kapag may problema ka or something came up, you’re free to tell me. Andito lang ako, alright?”
“Salamat Bes.”
Ngumiti ako.
“You’re welcome.” I said. Tapos pinagpatuloy na namin ‘yung pagche-check ng testpapers.
Sana naman wala talagang problema si Bes. O kung mayroon man… sana maging maayos na ‘yun.
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"