Chapter 19
'Preparation’
[STANLEY's POV]
Birthday ngayon ni Hani. At nagkaroon kami ng celebration dito sa isang villa na pagmamay-ari namin. Kitang-kita ko namang nasiyahan siya. Ngayon lang ulit kasi niya nakasama ang Mama niya sa isang birthday celebration kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon siya kasaya. Buti nalang napilit ko ‘yung Mama niyang sumama sa celebration ng birthday ng anak niya.
Gabi na ngayon, mga 7pm na. Tapos na ang party. Nagliligpit na sila tita sa itaas at ‘yung iba naman ay nandoon pa sa labas. Habang ako, nagmumuni-muni sa isang sulok nitong garden. ‘Di naman ako kalayuan sa may gazebo kaya alam kong tanaw pa rin nila ako. Maya-maya uuwi na rin kami. May mga assignments pa kasi kaming kailangang tapusin.
"Uhhh."
Napalingon naman ako. Si Hani pala!
Ang cute niya pa rin kahit na medyo haggard na siya. Bagay na bagay sa kanya ‘yung gown.
"O NicNic! And’yan ka pala!" Bati ko.
"Narinig ko kila Bes na ikaw daw ‘yung nag-organize nitong party. Saka ikaw din daw nagpumilit kay Mommy na umattend ng birthday celebration ko."
Sasagot sana ako kaso nagsalita siya kaagad.
"Gusto ko sanang magpasalamat. Thank you sa effort. Sa pag-oorganize ng party. Sa pagpupumilit kay Mommy na pumunta dito. Sa regalo. Sa cake. Sa pagiging isang kaibigan. At sa lahat lahat. Sobrang na-appreciate ko. At nag-enjoy talaga ako ngayong birthday ko."
Lalo siyang gumaganda kapag ngumingiti siya.
"Walang anuman NicNic. Basta para sa—"
Hindi ko natapos ‘yung sasabihin ko kasi paano ba naman...
Bigla niya akong hinalikan sa cheeks!
OO, SA CHEEKS LANG!
Sayang, sana sa lips nalang. Haha.
"Salamat talaga Stanley. Sige, good night!"
At tumakbo na siya palayo.
Heto ako, nakatulala lang at pinagmamasdan siyang tumakbo.
Tae. Muntimang na ako dito. Hindi ko mapigilang ngumiti. Shet lang, nakakabakla pala ang ma-inlove!
-
Pagbalik ko sa may gazebo...
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"