[56] All I Want For Christmas Is You

4.7K 99 5
                                    

             

Chapter 56

‘All I Want For Christmas Is You’

 

[HANI’s POV]

Kasalukuyan kaming nandito sa mall upang bumili ng ipanreregalo sa mga nabunot na ‘min. Christmas Party na kasi bukas and nakalimutan naming bumili ng panregalo nitong nakaraan so cramming ang peg namin ngayon. Masyado kasi kaming nag-enjoy nitong nakaraan, lalo na kagabi.

Waaaa. Ayan tuloy! Naalala ko na naman ‘yung nangyari sa bar! Fudge lang! Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil doon sa ginawa ko! Inulan pa kami ng tukso ng barkada. Nakakahiya! Pero ayos lang, ang sarap naman pala niya kasing halik—okay Hani, tama na. Nagiging pervert ka na ata!

Nagising ako sa pagde-daydream ko nang biglang magsalita si Erah out of the blue.

“Kami na.”

Sil—what? Tama ba ‘yung narinig ko?

“KAYO NA?” Napalakas ata ‘yung pagkakasabi ko kasi nagsitinginan ‘yung ibang tao sa mall. Okay, sorry naman po! Na-excite lang. Haha.

Tumango lang si Bes. Totoo nga!

“Kyaaa! Kinikilig ako! I’m so happy for you Bes!” Energetic kong sabi with matching talon-talon pa sabay yakap nang mahigpit kay Erah. Talagang dito pa kami sa may gitna ng mall nagyakapan, e? Hahaha.

“S—salamat Bes! T—teka, ‘di ako makahinga!” Napabitaw naman ako sa pagkakayakap kay Bes dahil doon sa sinabi niya.

“Hehehe. Sorry naman! Masyado lang akong natuwa sa balitang hatid mo.” Paumanhin ko sabay peace sign.

“Nice. Congrats Bes!” Sabi ni Bes Xhe sabay yakap kay Erah.

“Salamat Bes.” Sabi naman ni Erah pagkabitaw sa yakap nila.

“Kailan pa naging kayo?” Tanong ko.

“Kagabi lang. Humanap muna kaya tayo ng kakainan? Saka ko na ikukuwento ang buong pangyayari.” Erah said. Pumayag naman kami sa gusto niya.

Napagdesisyunan naming kumain muna sa KFC kasi tanghali na and gutom na rin kami. Habang kumakain kami, kinuwento ni Bes kung paano naging sila. After that, namili na kami ng ipanreregalo namin sa mga ka-exchange gift namin. Bala ng playstation ‘yung binili ko para kay Tristan kasi napag-alaman kong video game player din pala siya. ‘Yung regalo ko para kay Stanley at para kila Bes… matagal ko nang napaghandaan ‘yun. November pa lang, may nabili na ‘kong regalo para sa kanila kaya wala na ‘kong problema r’on. Pagkatapos namin doon, bumili kami ng dress, shoes, and mga accessories na isusuot namin bukas. Konting gala then umuwi na rin kami agad matapos no’n kasi kailangan naming mag-beauty rest para bukas.

***

Kinabukasan, maaga akong gumising para maghanda. S’yempre, last Christmas Party na namin ‘to as high school students kaya kailangan maganda ako. Bigla kong na-realize na malapit na pala ang graduation. Nalungkot ako. Malapit na kaming mag-college.

It Started With FLAMES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon