Chapter 35
‘His Past’
"Let's break up." Napahinto ako sa paglalakad nang banggitin niya ang mga katagang ‘yun. Ano raw? Kami, magbe-break?
Hinarap ko siya ng may halong pagtataka sa mukha.
"Why? Don't you love me anymore?" I asked her.
Hindi siya kumibo kaya nagsalita ulit ako. "Is it because of my parents? I told you before that whatever happens, I'll fight for us." I said then I moved towards her and gave her a hug. "So don't ever think about breaking up with me, alright?"
Naging masaya naman kami.Actually, mag-iisang taon na nga kami. Sa totoo lang, hindi ko nga inaakalang magtatagal kami ng ganito. Akala ko kasi nung una, simpleng pagka-gusto lang ang nararamdaman ko para sa kanya.
Akala ko nga magiging kami hanggang sa huli. Akala ko wala nang makapaghihiwalay pa sa ‘min. Pero lahat ng ‘yun ay akala lang. Dahil lingid sa aming kaalaman...
...hindi pala papabor ang mga magulang namin sa relasyong ‘to.
That's the main reason why Phenelope attempted to break up with me before but I refused. My parents didn't like Phenelope for me, and so her parents too. Maybe because our family was rivals in terms of business. Pati sa business matters ng pamilya namin, nadadamay kami. Tss. They even tried na paghiwalayin kami ni Phenelope kaya ang ginawa namin, we pretended that we are over. Kahit na nasa school kami, hindi kami nagkakasama masyado kasi bantay sarado kami ng mga espiya ng pamilya ni Phenelope. Kaya tuloy minsan, palihim kaming tumatakas para makapag-hang out at para makapag-date. We were like the modern version of Romeo and Juliet. ‘Forbidden love’, ika nga ng nakararami.
Naka-survive naman kami kahit na mahirap kasi limitado ‘yung galaw namin sa school. Nakatagal naman kami ng halos limang buwan sa kabila ng mga pangyayari. Buti na lang at magaling kaming magtago. Akala ko hindi kami mahuhuli. But I was wrong.
Nagwakas ang lahat nung araw na ‘yun. Tandang-tanda ko pa ang mga pangyayari... tandang-tanda ko pa nung mga panahong iniwan niya ako sa ere.
First anniversary namin nun, September 18 20**. Dahil nga one year na kami, I wanted to celebrate that day with her. Kahit na alam kong bawal at kahit na alam kong hindi pwede. So gumawa ako ng paraan. Pumuslit ako sa mansion nila kahit na maraming security na naka-bantay. Nalampasan at natakasan ko naman 'yung mga ‘yun kaya matagumpay akong nakapuslit sa kwarto ni Phenelope.
"What the hell are you doing here? Paano kung mahuli ka nila Mommy?" Phenelope said in a low voice nang makapasok ako sa kwarto niya.
"Hindi naman ako nahuli e. Nandito ako ngayon simply because itatakas kita. We'll celebrate our first anniversary so let's go!" I said then I motioned towards her and grabbed her wrist.
"T—teka lang! Gustuhin ko man pero, h—hindi talaga pwede! Baka mahuli tayo," She said tapos pilit siyang kumawala sa pagkakahawak ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Ficção Adolescente[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"