Chapter 47
‘Amnesia’
[HANI’s POV]
Matapos kong ma-recieve ‘yung tawag ng Mama ni Stanley, dali-dali kaming pumunta sa ospital na kinalalagyan ni Stanley.
“Dahan-dahan naman Bes!” Xhe said. “Calm down. ‘Wag kang mag-panic, magiging maayos din ang lahat, alright?” She added.
Dirediretso pa rin ako sa pagtakbo habang hatak-hatak ko siya. Si Xen naman together with Layla, nakasunod lang sa ‘min.
Sana talaga maging maayos ang lahat. Pero… ‘di ko pa rin mapigilan ang pag-aalala ko.
“Paanong ‘di magpa-panic e naaksidente ‘yung tao! NAAKSIDENTE SI STANLEY, BES! Bilisan na nga natin, baka kung anong nangyari sa kanya…”
Tapos binilisan ko pa lalo ‘yung takbo ko.
“Okay, okay. Fine, alam ko namang nag-aalala ka lang sa kanya.” She said. “Kung tatakbo ka using full speed, ingat-ingat naman! Halos matapilok na ‘ko rito e, baka ako pa ang sunod na maaksidente.”
Hindi ko nalang siya pinansin bagkus nag-concentrate na lang ako sa paghahanap sa kwartong kinalalagyan ni Stanley.
“Room 204… ayun!”
Kaagad ko namang kinatok ‘yung pintuan nang matagpuan ‘yung Hospital Room ni Stanley.
Bumukas ang pintuan at ang kauna-unahang bumungad sa ‘min ay si Tita Sandy—ang Mama ni Stanley. She insisted na Tita na lang daw itawag ko sa kanya kaya gano’n.
“Tita!” I greeted her. “Kamusta na po si Stanley? Anong nangyari sa kanya? Malala po ba ang lagay niya?” Dire-diretso kong tanong. Sorry naman kung parang ang OA ko na, worried lang ako.
“Oh, ikaw pala hija!” Sambit niya tapos napatingin siya sa mga kasama ko sa likod. “Andito rin pala kayo. Pasok.” Sabi niya pa tapos nag-give way siya para makaraan kami.
Isang natutulog na Stanley ang nadatnan ko sa loob ng kwarto. May mga aparatong nakakabit sa kanya, mukhang marami ‘yung natamo niyang sugat base sa mga bandages na nakalagay sa kanya. And aside from that, he looks pale.
Gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya… pero pinigilan ko ang sarili ko.
“Upo kayo,” Alok sa ‘min ni Tita na naka-upo sa isang monoblock chair, sa tabi ni Stanley.
Umupo kaming apat sa vacant sofa sa may gilid ng hospital bed na kinalalagyan ni Stanley. Ako sa left side, katabi ko si Bes Xhe na unfortunately ay katabi ni Xen. So bale si Layla sa kabilang dulo at pinagigitnaan nilang dalawa si Xen. So awkward para sa part ni Bes, nararamdaman ko na ‘yung pagbabago ng atmosphere. Ang tahimik. Ang tanging ingay lang na maririnig ay ‘yung tunog na likha ng makinang nakakabit kay Stanley. Gaaaaa, ayoko ng ganito! Mababaliw ako sa katahimikan!
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"