[15] The Next Morning

6.3K 115 8
                                    

Chapter 15

‘The Next Morning’

“WAAAAAAA! ANONG GINAGAWA MO RITO SA KWARTO KO?”  I screamed.

Kasi ba naman! Sino bang hindi magugulat kapag nakita mong may nakatabing lalaki sayo sa kama! At ang malala pa doon—nakayakap sayo!

Agad namang nagising si Exzen. Yeah, unfortunately siya nga ‘yung lalaking katabi ko sa kama. 

"Anong ginagawa mo dito ha? Walangya! Balak mo ba akong pagsamantalahan?" Sigaw ko habang hinahampas-hampas siya ng unan. Aga aga pinapainit ulo ko!

"Ow, ow! Aray! Teka naman! Wala naman akong ginawang masama sayo eh!  Aw! Teka lang kasi! Saka ‘di mo 'to kwarto ‘no. Nandito tayo kila pareng Stanley! Palibhasa ‘di mo natatandaan kasi nalasing ka kagabi! Ow!" Sagot naman niya habang sinasalag ‘yung mga hampas ko ng unan.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Napatingin tuloy ako sa paligid ko. Damn! Wala nga ako sa bahay namin! Bigla kong naalala na nag-inuman kami kagabi dito sa bahay nila Stanley.

"Ouch!" Napahawak ako sa ulo ko.

Sht lang, may hang-over pa ata ako. Tumingin uli ako sa kanya at nagtanong.

"Kung ganun, bakit ikaw ang katabi kong matulog dito sa kwarto?" Tanong ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Tsk. Gawa kasi nung dare ni Erah sayo. Pinagtulungan kaya nila tayong ikulong dito! Palibhasa malakas na tama mo nun kaya ‘di mo na maalala."

Oo nga pala! Humada sa ‘kin ‘yung mga ‘yun!

"Psh. Lagot talaga sa 'kin ‘yang sila Erah!" Sabi ko sa sarili ko. "Anong oras na?"

Tumingin siya sa screen ng cellphone niya at sinabing "8:30 AM." 

Bigla namang kumulo ‘yung tiyan ko. Napatingin tuloy siya sa akin.

"Mukhang gutom ka na. Tara na sa baba." Yaya niya.

Bago pa man ako makapagprotesta, hinatak niya na ako pababa ng kama at palabas ng kwarto.

[HANI's POV]

Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Umaga na pala. Tumingin ako sa Wallclock. 8:05 am pa lang pala ng umaga. Tulog pa si Bes Erah. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman lumabas na ako ng kwarto at bumaba upang magtungo sa kusina.

Nadatnan ko sa kusina si Stanley—na kasalukuyan ay nagluluto ng almusal. Hmmmm. Ang bango ng niluluto niya! Lalo tuloy akong nagutom. Haha.

"Oh, gising ka na pala!" Bati niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Ano 'yang niluluto mo?" Tanong ko sabay silip sa niluluto niya.

It Started With FLAMES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon