Bakit ba ang daming nagpapakabaliw, nagpapakatanga, nagpapaka-martyr at nagpapakamanhid pagdating sa pag-ibig? Niloko ka na, sinaktan at pina-iyak ka pa. Pero heto ka—si tanga, umaasa pa ‘rin na kahit minsan ay masusuklian man lang ang pagmamahal mo sa kanya. Pinipilit magpanggap na ayos lang ang lahat, kahit hindi naman talaga. Ngumingiti kahit nasasaktan na. Nagbubulag-bulagan sa kabila ng katotohanang mahirap tanggapin sa kalooban.
Seriously, bakit nga ba ang daming nagpapakatanga pagdating sa pag-ibig? Bakit nagagawa nilang tiisin ang lahat para lang sa taong mahal nila? Hindi na ba sila naawa sa mga sarili nila? Pwede naman silang humanap ng iba—‘yung mas deserving sa pagmamahal nila. ‘Yung taong kaya silang pasayahin. ‘Yung taong mahal 'rin sila. ‘Yung taong hinding-hindi sila lolokohin. At ‘yung taong gagawin ang lahat 'wag lang silang masaktan. Pero hindi nila ginawa. Mas pinili nilang manatili sa tabi ng taong mahal nila at patuloy silang nagmamahal sa kabila ng sakit na kanilang nadarama. Kung ako sa kanila, hinding-hindi ako iiyak nang dahil lang sa lalaki. Dahil ang mga lalaking kagaya nila ay hindi iniiyakan. Masasayang lang ang luha mo.
Noong una, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang daming nagpapakatanga pagdating sa pag-ibig. Pero simula nang dumating siya sa buhay ko, nagbago ang takbo ng lahat. Ang dating tahimik kong buhay, unti-unting gumulo. Nagbago ang pananaw ko tungkol sa pag-ibig. Ang mga bagay na akala ko’y hindi ko magagawa—ay nagagawa ko nang dahil sa kanya. Or should I say, nagagawa ko para sa kanya. Nang dahil sa pag-ibig, heto ako, nasasaktan. Nahihirapan. Ngunit patuloy ko siyang minamahal. Kung bakit? Di ko 'rin alam! ‘Di ko alam kung sadyang masokista lang ako o ano. Pero eto lang ang masasabi ko: HINDI BIRO ANG MAGMAHAL! Lahat mararanasan mo, ang tumawa, ngumiti, kiligin, magselos, masaktan at mahirapan. Ganun pa man, hindi ko pinagsisisihan ang lahat. Kahit gaano pa ako katagal maghintay at umasa dito, gagawin ko! Dahil kahit na nasasaktan ako, magkatuluyan man kami sa huli o hindi… at least, alam kong wala akong pagsisisihan dahil ginawa ko ang lahat para sa kanya.
Chapter 1
‘FLAMES’
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway kasama ang aking besftfriend na si Erah. Kasing edad ko lang din siya, pero mas matangkad ako sa kanya ng konti. Shoulder length ang buhok niya with matching brown highlights. Matalino 'yang si Erah, maganda pa! Mana sa ‘kin. Haha.
Papunta kami ngayon sa may announcement board para tingnan ang list of sections. Kahit ba sabihing sure na sa Section A ang bagsak namin ay pumunta pa 'rin kami para manigurado.
Sa paglalakad namin ay ‘di inaasahang makakita ako ng isang magandang tanawin.
"Bes oh! Si Exzen, dumaan. Ang pogi niya talaga!"
"Kyaa!"
Nagtilian na naman yung mga babae. Dumaan lang naman ang sikat na si Exzen Ivann Torrez, kasama ang iba pang oh-so-handsome boys na sina Stanley, Hanz at Drake.
Oh shoot! Ang gwapo talaga nila. Lalo na si Exzen. Bukod sa gwapo, magaling din ‘yang mag-basketball. Matalino 'rin ‘yan, Top 5 ‘yan sa klase eh! At yup, kaklase ko siya pati na rin ‘yung mga kasama niya for three years. At malamang, magkaklase pa 'rin kami hanggang ngayon. Pero hindi kami close. We're not even friends. At bibihira ko lang silang maka-usap.
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"