[07] Date?

10.1K 190 23
                                    

Chapter 7

'Date?’

 

Naramdaman ko na parang may sumusundot sa pisngi ko.

  

Tss. Ano ba naman ‘yan! Ang aga-aga pa eh! Letse naman! Sino ba ‘yang sundot nang sundot sa pisngi ko?

Hindi ko nalang pinansin ‘yung taong sumusundot sa pisngi ko. Pinagpatuloy ko nalang ‘yung pagtulog ko. Makakatulog na sana ulit ako kaso… humirit na naman siya ng isang sundot! Naman, panira ng tulog!

Tinabig ko ‘yung kamay ng kung sino mang yun. Inaantok pa ‘ko e, tapos gigisingin ako!

Akala ko titigil na siya… kaso, pinagpatuloy niya lang ‘yung ginagawa niya. Nakakainis na ha! 

"Ano ba. Inaantok pa ‘ko eh..." Ungot ko. Kainis. 

Hindi siya nagsalita. Sumundot na naman siya sa pisngi ko. The fuuu.

Kaninis! Sabing inaantok pa ‘ko eh!

WHOEVER YOU ARE, STOP POKING MY CHEEKS, PLEASE?

"Tangna sabing inaantok pa ‘yung tao, ayaw tumigil! Ang aga-aga, nambubwisit!" Nakapikit pa ‘rin ang mga mata ko nang sabihin ko ‘yun. 

 

Hindi siya sumagot. Kaya naman unti-unti kong dinilat ‘yung mga mata ko.

  

Totoo ba ‘tong nakikita ko? O nag-hahallucinate lang ako? Sana nananaginip lang ako—mali, hindi ito isang panaginip kundi isang bangungot.

  

"ANONG GINAGAWA MO DITO SA KWARTO KO? At sinong nagpapasok sayo dito?" Bulyaw ko sabay tulak ng malakas sa kanya.

Paano ba naman! Pagkadilat na pagkadilat ko, ‘yung gwapong mukha niya agad ‘yung bumungad sa ‘kin! At sobrang lapit pa ng mukha niya! Para niya akong… HAHALIKAN!

"Pinapasok ako ng Kuya mo. Sabi niya, gisingin daw kita. Tulog mantika ka raw kasi."

Si Kuya talaga! Ughhh.

"Ano namang kailangan mo at napasugod ka pa dito?" Inis kong tanong.

"Mukhang nakakalimutan mo yatang may lakad tayo ngayon." Sabi ni Exzen.

Yeah, tama kayo. Unfortunately, siya nga yung lalaking kausap ko. Psh.

"Lakad?"

Napaisip ako sandali. Ah tama! Sabado nga pala ngayon. Sa kasamaang palad, ngayong araw kami bibili ng materials para sa aming group project sa English. At sa lahat ng pwede kong makasama, siya pa! Kung bakit? Nagbunutan kasi kaming magkakagrupo para mapagdesisyunan kung aling task ang gagawin namin. At dahil malas ako, siya ‘yung naka-partner ko para bumili ng mga gamit.

It Started With FLAMES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon