[26] Friends

5.7K 89 7
                                    

Chapter 26

‘Friends’

[ERAH's POV]

Naging matino naman ‘yung dance presentation namin. Good thing at hindi naman ako inaway nung girlfriend ni Jude which is Coleen. Grabe talaga, akala ko lalamunin niya na ako nang buhay eh! Maka-titig kasi noong nakaraan, parang naghahamon ng away. Isa pang magandang nangyari, na-settle na namin ni Jude ‘yung problema namin. What I mean is we finally had our closure. Thank God. After almost, eight months? Nakuha ko rin ‘yung closure na matagal ko nang hinahanap.

Halos isang buwan na rin ang lumipas. Wala naman masyadong kakaibang nangyari. Bukod sa unti-unting pagbalik ng closeness at dating friendship namin ni Jude. 

"Hey Erah!" Bati ni Jude. Kasama niya si Coleen.

"Oh, Jude. Ikaw pala!" Masiglang bati ko sa kanya.

Kung dati, ang bitter ko kapag nakikita kong magkasama silang dalawa… ngayon, hindi na. Hindi na rin ako nasasaktan ‘pag nakikita ko silang masaya. Hindi na rin ako umiiyak gabi-gabi. Pero syempre, hindi pa naman ako totally nakalimot. Syempre, mayroon pa ring natitirang katiting na pagmamahal para kay Jude dito sa puso ko. Hindi naman agad-agad mawawala ‘yun eh. Pero konting-konti nalang, ramdam kong malapit ko na siyang makalimutan. Konti nalang, malapit na akong maka-move on nang tuluyan. Malapit na. Siguro nga, malaki ‘yung naitulong ng pag-uusap namin para maka-move on ako.

"Gusto ko sana kitang i-invite ka mamaya. Sama ka sa gala namin later." Pag-aalok niya.

Half day lang kami ngayon kaya siguro naisipan nilang gumala mamaya. Uwian na kasi. Pero hindi pa ako pwedeng umuwi, kasi may kailangan pa akong asikasuhin. Ays. Hirap din palang maging Student Council Secretary!

"Oo nga, sumama ka. Isama mo rin ‘yung friends mo." Dagdag pa ni Coleen.

Peace na rin kami niyan ni Coleen. After kasi namin magpractice noong nakaraan, kinausap niya ako. Akala ko nga aawayin niya ako! Pero makikipag-ayos lang pala siya. Dati kasi, war kami niyan eh. Hindi naman totally war. Alam mo ‘yung karibal kung magturingan? Ganun. Parang mortal enemy sa puso ni Jude ang turing namin sa isa't isa. But that was before. Because now, we consider each other as friends na.

"Ah eh, next time nalang. Marami pa kasi akong kailangang asikasuhin dito sa school mamaya eh."

"Ganun ba? O sige, sa susunod nalang. Sama ka na next time ah? Sige, una na kami."

"Sige. See you later nalang."

I managed to smile. ‘Yung smile na genuine at walang halong kaplastikan.

"Sure. Sige, una na kami Erah. Mamaya nalang ulit." Jude said. 

Naglakad na sila paalis. Ako naman, tumalikod na kasi pupunta pa akong Student Council room. May aasikasuhin pa kasi ako doon.

Paalis na sana ako nang biglang may nagsalita sa tabi ko.

"So totoo pala ‘yung balita na magkaibigan na raw ulit kayo?"

It Started With FLAMES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon