Chapter 22
‘Let The Battle Begin!’
[HANI's POV]
Ang tagal ko nang nakapikit pero wala pa ring nangyayari. Kaya naman minulat ko na ang mga mata ko. Nakita ko lang naman si Stanley na tahimik na nagpipigil ng tawa. Tapos narealize niyang nakatingin ako sa kanya kaya napatigil siya.
"Hahaha. Grabe, ang priceless ng facial expression mo kanina NicNic! Ahahaha. Epic!"
‘Di niya na napigilang tumawa.
Tss.
"NAKAKAINIS KA TALAGA!" Naiinis kong sigaw sa kanya. "Bwiset ka."
Tumayo na ako at akmang lalabas na ng kwarto.
"Ahahaha. Sorry naman. Ang epic lang kasi talaga ng mukha mo kanina!"
Huminto na siya sa pagtawa. Nung nakita niyang papalabas na ako ng pinto, tumayo rin siya. Lumapit siya sa akin at pinigilan ako sa paglabas ng pinto.
"Teka, galit ka ba NicNic? Sorry na oh. ‘Di ko na uulitin."
"Tse! Alam mo bang muntik na akong himatayin sa kaba kanina tapos pinagtawanan mo lang ako? Bwisit ka talaga. Tabi nga d’yan, uuwi na ako."
Naglakad na ako palabas ng kwarto. ‘Di bale na! ‘Di nalang ako magpapatutor kung pagtitripan niya lang din ako.
Kaso… bigla niya akong niyakap mula sa likuran kaya napatigil ako sa paglalakad.
Ayan na naman ‘yung puso ko, kumakabog na naman na parang daig pa ang kabayong hinahabol sa sobrang bilis ng pagtibok nito.
"Sorry na oh. Wag ka nang magalit, please? ‘Di ko na uulitin ‘yun."
Hindi niya pa rin inaalis ‘yung pagkakayakap sa 'kin. Ako naman, nanigas na dito. Aish!
Hani, ‘wag kang mag-hyperventilate okay?
Huminga ako nang malalim saka nagsalita.
"Tss. Oo na. ‘Di na ako galit. Pwede mo nang alisin ‘yang pagkakayakap sa 'kin."
Agad naman siyang bumitaw mula sa pagkakayakap.
"Talaga? ‘Di ka na galit?"
"Oo nga sabi eh."
“Sabi na nga ba’t ‘di mo ako matitiis!”
Ngumiti siya.
Tss. Pwede ba, ‘wag kang ngumiti nang ganyan!
"Aish. Magbihis ka na nga doon! Alas dos na, sayang ang oras. ‘Pag ako bumagsak sa Math bukas..."
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"