[38] The Tale of The Casanova

5.2K 76 6
                                    

Chapter 38

‘The Tale of The Casanova’

"I'm not joking, Stanley. Seryoso ako. Layuan mo na ako."

Para akong nabingi nang marinig ko ang mga katagang ‘yan mula sa kanya. May kung anong kumirot sa puso ko, at hindi ko gusto ang naramdaman ko. Gusto kong isigaw ang lahat ng alam kong mura, pero pinanatili ko ang pagiging kalmado ko.

Talaga bang ayaw niya sa ‘kin? Ganun ba ako kasama sa paningin niya? Ano bang nagawa kong mali? Ginawa ko naman ang lahat a, tapos ito pa ‘yung isusukli niya? Handa na nga akong magbago para sa kanya, kahit na mahirap. Siguro nagsawa na siya sa ‘kin. Hahaha, ang gago ko rin kasi e, ano? Umasa akong magugustuhan niya rin ako kahit papaano, pero nagkamali ako. Nakakagalit. Gusto kong magalit sa kanya. pero hindi ko magawa. Sabagay, ano nga ba kasi ako? Isang ‘casanova’. Para sa kanya, isa lang akong hamak na casanova na walang alam kundi manakit ng damdamin ng babae. Isang malaking paasa. Nakalimutan kong ayaw niya nga pala sa mga tulad ko. Bakit ganun? Akala ko pa man din matatanggap niya ako. Akala ko hindi siya katulad ng ibang babae. Akala ko, iba siya sa babaeng ‘yun. Pero nagkamali ako. Iiwan niya rin pala ako. Iiwan rin pala niya ‘ko gaya ng babaeng 'yun. 

Ang sakit, puta. Tanginang buhay ‘to.

"Ayan ba talaga ang gusto mo?" I asked her. I didn’t bother to ask her ‘why’ kasi alam ko na naman ang dahilan. Ayaw niya sa ‘kin. In fact, she despises me. Saka halata naman sa mga kilos niya na iniiwasan niya ako. 

Hindi siya umimik bagkus dahan-dahan lang siyang tumango.

I guess this is the finality of us.

"Kung ‘yan ang gusto mo, sige... pagbibigyan kita. Lalayuan na kita." I answered coldly then tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanya.  "Paalam, NicNic." 

Simula noon, bumalik na ulit ako sa dating routine ko. Sa pambababae. Sa pagba-bar. At sa pagpapakalunod sa alak. Kung kailan naman malapit nang mawala ng tuluyan ‘yung pagiging “Casanova” ko, at kung kailan handa na akong magtapat sa kanya... saka pa nangyari ang lahat ng ‘to. Life is so unfair. 

Ginawa ko ang lahat para iwasan siya, kahit na mahirap. Mahirap talagang lumayo sa taong na-attach na sayo. (Putsang feelings ‘to!) Nung araw ding ‘yun, lumipat na ako ng upuan sa room. Hindi na ako nakikipag-usap sa kanya. Hindi ko na siya nilapitan pang muli. Bumalik ako sa pagiging “casanova”, sa pagiging heart-breaker—nagbabaka-sakaling sa paraang ‘to, makakalimutan ko ‘yung nagraramdaman ko para sa kanya. 

***

"Sino naman ‘yang babaeng ‘yan? Bago niyo na namang kalandian?" Tanong ko sa Tatay ko pagdating na pagdating ko sa bahay. Hindi pa man din maganda ang araw ko ngayon at wala ako sa wisyo tapos ‘yan pa ‘yung madadatnan ko? Nakakagago.

Naabutan ko lang naman kasi ang Tatay ko na may kahalikan na namang babae sa sala.

It Started With FLAMES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon