Chapter 58
‘Good Things Come To An End’
“Hindi lahat ng bagay, aayon sa gusto natin. Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo. Minsan nga, hindi mo pa nahahawakan, ipinagdadamot na sa ‘yo. Ganyan talaga, unfair ang buhay e.”
—xxx
Pagpasok ko sa school ay nadatnan ko ang mga nagkalat na ‘lovers’ sa kabi-kabilang sulok ng campus. Nagkalat din ang mga nagbebenta ng mga bulaklak, pagkain at tsokolate. Marami ring booths na bukas at higit sa lahat… walang klase. Bakit? Simple lang. Valentine’s Day kasi ngayon. Tradisyon na kasi rito sa Anderson High na walang klase tuwing Valentine’s Day. May pasok—oo, pero may choice ka kung papasok ka o hindi. Actually, hindi dapat ako papasok ngayon kasi napuyat ako kagabi kanonood ng anime pero pinilit ako nila Bes and dinaanan pa nila ako sa bahay kaya ayun, no choice.
“Wala namang klase, pumasok pa tayo. Tss. Inaantok pa nga ‘ko e!” Sabi ko habang naglalakad kami sa hallway sabay hikab. Gusto ko pang matulog!
“Kahit na ba! Valentine’s Day ngayon so we must enjoy this day!” Natutuwang sabi ni Hani.
Ang bilis ng araw. Valentine’s Day na. Tapos Prom Night na. Tapos Graduation na. Kung pwede lang mag-extend pa ng panahon, gagawin ko.
Kaso hindi pwede ‘yun.
“Oo nga naman! ‘Wag KJ Bes!” Segunda pa ni Erah. Tss. KJ na ba kapag ganun? “Saka birthday ko ngayon! Kaya pagbigyan mo na ‘ko.” Dagdag niya pa.
“Oo na, oo na. Para sa birthday girl.” I answered. Napa-‘yes’ naman ‘yung dalawa. “Palibhasa may boyfriend na kayo ngayon kaya kung makapagsalita kayo d’yan...” Bulong ko.
“Ehem! Narinig ko ‘yon!” Mapang-asar na sabi ni Erah.
And so? Tama naman ako ‘di ba? Don’t get me wrong, I’m not being bitter here. I’m just not that into ‘sweet things’. Like cuddling, hugging, kissing, and being mushy like there’s no tomorrow in a public place. I repeat: IN A PUBLIC PLACE! Panay landian pa sa tabi-tabi ang nakikita ko. Ugh.
“Wushu! E ‘di sagutin mo na si Xen para may boyfriend ka na rin!” Tumatawang sabi ni Hani.
“Oo nga naman Bes! Para everybody, happy! Kaya smile na d’yan!” Erah said.
“Bakit ba masyado kayong nagmamadali? Tss. It takes time!” I said. Sabay iwas ng tingin.
“Hindi pa ‘ko handa ‘no.” I muttered to myself.
“Okay okay! Fine, ‘di ka na namin kukulitin about d’yan. Basta enjoy this day huh.” Erah said.
I nodded and smiled just to assure her. And so we continued exploring the campus. While walking, Hani suddenly blurted out,
“Asan na kaya sila Stanley? ‘Di niya ako dinaanan kaninang umaga.” Then she frowned.
“Si Drake nga rin e.” Isa pa ‘tong si Erah.
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"