Chapter 44
‘Reunited’
[HANI’s POV]
“Stanley…” I muttered.
Nandito kami ngayon sa bahay ko, gumagawa ulit ng project namin sa Physics. ‘Di pa rin kasi namin tapos gawin.
Nag-aalangan ako sa gagawin ko. Sasabihin ko ba? Itutuloy ko pa ba ang binabalak ko—namin? Pero paano kung hindi siya pumayag?
“Hmm?” He asked without looking at me. Naka-focus pa rin siya sa pagsusulat ng report slash project kuno namin.
“Ma-may papakilala kasi ako sayo mamaya. Tatanong ko lang sana… kung pwede ka later.” I asked—no, I lied.
Whew! Grabe, nakaka-guilty naman ‘to! Kailangan ko pang magsinungaling para lang mapapayag siya. Baka kasi kapag sinabi ko ang tunay na dahilan, hindi siya sumama. Alam kong hindi siya sasama, I expect that. Kasi alam kong malaki pa rin ang galit niya sa kanya. Mamaya ko na lang siguro ipapaliwanag kay Stanley. Sana lang hindi siya magalit sa ‘kin!
Okay, siguro naguguluhan na kayo. Ganito kasi ‘yun.
Stanley’s Mom asked a favor to me. Remember the ‘Coffee Shop Incident’? Nagkakwentuhan kami ng Mama niya d’on. And accidentally, na-open niya ‘yung topic about sa problem ng family nila. She asked me if pwede ko raw ba siyang tulungang kausapin muli si Stanley. Since gusto ko rin namang tulungan si Stanley in the first place, pumayag ako. Naawa kasi ako sa Mom niya, pati kay Stanley, lalo na nung nalaman ko ‘yung dahilan ng Mama niya. But then again, naisip kong mukhang mahirap ‘yung hinihiling niya. Pero nakakahiya naman kung babawiin ko ‘yung sinabi ko so ayun, napagdesisyunan kong ituloy na lang ‘yung plano namin. That led me to this situation.
Back to present.
Tumigil siya sa pagsusulat pero hindi siya lumingon sa ‘kin. Parang nag-isip pa siya kasi ilang segundo ang nakaraan bago siya sumagot.
“Sure.” He answered. Tapos nagpatuloy na siya sa pagsusulat. Whew, buti naman at napapayag ko siya!
Kinuha ko ‘yung Physics notebook ko at nagpatuloy sa pagkalap ng mga info nang bigla siyang magtanong.
“Sino ba ‘yung ipapakilala mo?” Tanong niya habang patuloy sa pagsulat.
“Pi—pinsan ko. Hehe. Tama, ‘yung pinsan ko nga. ‘Yung pinsan ko kasi, gusto kang makilala.” I lied for the second time.
Geez, nahirapan akong mag-isip ng palusot do’n a! Hindi kasi ako sanay magsinungaling. And I avoid saying lies as much as possible. Pero para sa kanya, nagawa ko. Hay grabe.
“Ahh. Sige, anong oras ba mamaya?” He asked.
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"