Chapter 14
‘Let's Play a Game!’
[HANI's POV]
Matapos ang paglalakad ay nakarating din kaming apat sa bahay nila Stanley. Kung ba't apat lang kami? Sila Drake at Erah kasi ay dumaan munang 7-Eleven para bumili ng mga alak at kung anu-ano pa.
Pumasok agad kami sa loob ng bahay. Umupo naman agad sa sofa yung dalawa (Bes Xhe at Exzen). Aba, feel at home ah! Haha.
"Oy, paano naman ‘yung pulutan natin?" Tanong ni Exzen kay Stanley.
"Ako nang bahala dun." Stanley said.
Tapos dumiretso na siya sa may kusina.
"Ge, may maiinom ka ba d’yan? Kaka-uhaw eh." Pahabol pa ni Exzen.
"Doon sa may ref."
Pagkasabi nun ni Stanley, agad namang dumiretso sa may kusina si Exzen para siguro kumuha ng maiinom sa ref. Si Xhe naman, kinuha ‘yung ipod sa bag niya at sinaksak sa tenga ang kanyang earphones.
Okay. Ang boring naman! Tagal kasi nung dalawa!
Kaya naman naglibot-libot muna ako sa sala nila at tumingin-tingin sa sa mga picture frame na nakadisplay. Nahagip ng mata ko ang larawan ng isang batang lalaki. Isang batang lalaki na noon pa man ay…
…parang nakita ko na.
Para maka-sigurado, nilapitan at kinuha ko ‘yung picture frame at tiningnan ito nang mabuti. Pinagmasdan ko ang bawat detalye ng mukha ng batang lalaki sa larawan.
Walang duda. Siya nga ito.
"Ano ‘yan?"
Bigla naman akong napalingon. Si Bes Xhe lang pala!
"Ikaw naman Bes! Ginugulat mo ‘ko eh."
"Ano yang tinitingnan mo?"
"Ah, wala picture lang ‘to."
"Patingin nga."
Inabot ko sa kanya ‘yung picture frame.
"Ahhh. Picture lang pala ni Stanley. Akala ko naman kung ano!” She said.
Then ibinalik niya ‘yung picture frame sa kinalalagyan nito.
"We’re here!" Napatingin naman ako sa may pintuan.
Nandito na pala sina Erah!
"O, and’yan na pala kayo!" Bati ni Stanley sa kanila habang inilalapag niya sa mini table ng sala ‘yung niluto niya.
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"