Chapter 8
‘Six Degrees Of Separation’
''I hate getting flashbacks from things I don't want to remember."
---xxx
Nakakainis lang. ‘Yung tipong kinakalimutan mo na nga, tapos may nagpapaalala naman. Bumabalik tuloy ang nakaraang ‘di na dapat inaalala.
[STANLEY's POV]
"Oy, Kyla. Buksan mo nga muna ‘yung pinto." I commanded. May nag-doorbell kasi.
Lumakad naman siya para buksan ‘yung pintuan.“KUYAAAAAAAAA! Yung girlfriend mo! Nandito naaaa!”
Tsk. Kahit kailan talaga ‘yang si Kyla, kung makasigaw—akala mo kami lang ang tao dito.
Lumapit naman agad ako sa may pintuan at pinalayas ang kapatid ko.
“O. And’yan ka na pala. Ang aga mo ah.” Bati ko sa kanya. Then I grinned.
“At talagang nagpaganda ka pa ngayon para sa ‘kin?" Dagdag ko pa.
Naka-suot siya ng pink na off-shoulders, white shorts na ‘di naman masyadong maiksi, naka-heels na ‘di naman grabe sa taas at naka-braid din ang buhok niya. May pink na ribbon din siya sa left side ng ulo niya, at nasabi ko na bang ang cute cute niya talaga ngayon?
"Tse! Nagpaganda ako para kay Hanz my labsss ‘no."
Ayos na eh! Ang ganda na ng mood ko, tapos binanatan pa ‘ko ng ganun?
"Tsk. Pasok ka nga muna." I said nonchalantly.
"Oy. Pagsabihan mo nga ‘yang kapatid mo. Akala niya, girlfriend mo ‘ko."
"Haha, bakit? Totoo naman ah?" Biro ko.
"Anong totoo ka d’yan? In your dreams!"
Aba—binatukan pa ‘ko! Aray naman! Ang sakit nun ah!
“Haha, ‘to naman. Binibiro lang eh. Pagpasensyahan mo na ‘yun! Madalas kasing pumunta ang mga naging girlfriend ko dati dito. Kaya akala niya siguro, ikaw ‘yung girlfriend ko ngayon.”
"Kung bakit kasi ako pa ‘yung magsusundo sayo… kitang ako ‘yung babae!"
"Master mo lang naman ako at slave kita kaya sa ayaw at sa gusto mo… ako ang masusunod."
"Yah yah yah. Whatever Stanley. Aish. Bilisan mo na nga po MASTER at mag-aala una na."
I ignored her sarcastic remark. Binilisan ko nalang ‘yung kilos ko, kinuha ko na agad ‘yung mga gamit na dadalhin namin papunta kila Xen. Ngayon kasi kami gagawa ng group project namin para sa English.
"Tara na."
Lumabas na kami ng gate at nagsimulang maglakad papunta sa bahay nila Xen.
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"