[16] Deal Ends

6.7K 115 12
                                    

Chapter 16

‘Deal Ends’

 

[HANI's POV]

Sumakay kami ni Stanley ng jeep. Sa kotse niya sana kami sasakay kaso pinilit ko siyang sa jeep nalang. Pumayag naman siya. Ewan ko ba, trip ko lang magcommute ngayon eh. Haha.

"Ang init naman dito. Dapat kasi nagkotse nalang tayo." Reklamo ni Stanley sabay paypay ng panyo para mahanginan siya. Rich kid talaga! Ang arte eh!

‘Yung mga babae naman sa jeep, tingin ng tingin sa kanya. Aish! Lakas talaga ng karisma nito sa mga babae. Darn.

"Alam mo, ang arte mo Tatan. Minsan na nga lang ako pagbigyan eh." Sabi ko sa kanya sabay talikod. Medyo maluwag kasi ‘yung jeep kaya nakakaipod ako patalikod sa kanya. 

"To naman. Pumayag na nga ako. Ayos lang kahit mainitan ako. Titiisin ko naman ang lahat eh, basta para kay NicNic." Sabi niya. Napalingon tuloy ako sa kanya. "Kaya ‘wag ka nang magtampo d’yan."

Tapos… nginitian niya ako. ‘Yung nakasimangot kong mukha, unti-unting napangiti. Bakit ba kasi nakakahawa yung ngiti niya?

Nakita kong nagbulung-bulungan ‘yung grupo ng mga babaeng kasakay namin sa jeep.

"Shocks! Sis, ang gwapo niya ngumiti!"

 "Kyaaa! Kinikilig ako! Ngumiti siya!"

 "Awww. Ang cute niya! Ang swerte naman nung babae—girlfriend niya ata." 

Talagang napagkamalan pa akong girlfriend nito? Aish.

"Tss. Saan ba kasi tayo pupunta?"

“Secret. Wag ka nang matanong kasi malapit na naman tayo.”

Maya maya lang, pumara na si Stanley sa harap ng... school ko nung elementary?

"Anong ginagawa natin dito?" I asked him pagkababa naming ng jeep.

"Gusto lang kitang dalhin dito, kasi dito kita unang nakita."

Napatingin naman ako sa kanya. So siya nga talaga ‘yung batang nerd na tinulungan ko dati?

"Sa school ko dati?" Sagot ko habang naglalakad.

"Yeah. Ilang taon na rin ang nakakalipas. Siguro, hindi mo ako natatandaan. Haha." Matamlay niyang sagot.

Ngumiti ako sa kanya. Pagkarating namin sa park (‘di kalayuan sa school ko nung elementary), umupo kami sa isang bench.

Nakatingala lang siya sa langit habang ako naman… nakatingin lang sa mga batang naglalaro ‘di kalayuan.

Huminga ako nang malalim at nagsalita.

"Sa totoo lang, hindi talaga kita agad nakilala. Pero nung nakita ko ‘yung picture mo nung bata ka pa, alam ko na sa sarili ko na ikaw si Ley." Napatingin siya sa ‘kin. "Si Ley na batang tinulungan ko dating makatayo. Hahaha, grabe. ‘Di ko ma-imagine na nerd at lampa ka pala dati. Sorry, ang harsh ko ata!" Pagpapatuloy ko.

It Started With FLAMES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon