Ava's POV
Tatlong araw mula ng makita ko si Kid sa mall kung saan kami nagkita-kita ng mga kaibigan ko, isang di malilimutang araw iyon para sa akin dahil ang ex-boyfriend ko na tatay ng anak ko ay muling lumapit sa akin upang sabihin na mahal n'ya pa rin ako at ayaw n'ya na magpakasal pa sa partner n'ya ngayon. Ayokong pakinggan ang sinasabi n'yang kasalanan nito sakin dahil masasaktan lang ulit ako kaya naman umalis ako kaagad sa lugar na yon at nagsabi na lamang sa mga kaibigan ko na masama bigla ang pakiramdam ko at kailangan ko na munang magpahinga. Gusto ko s'yang tanungin ng araw na yon kung ano ang ibig sabihin n'ya pero natakot ako na baka magsinungaling ulit s'ya sa akin, na baka niloloko n'ya na naman ako.
Ngayong araw naka set ang meeting ko para sa resort kasama ang new investors ng resort na hindi ko pa nakikilala, ang sabi sa mail na natanggap ko gaganapin daw ang agreement sa Boracay na tatagal ng limang araw, na sagot naman na raw ng investors ang flight papunta roon at pabalik dahil kaibigan n'ya raw ay piloto at investor na ng Cebu Pacific kaya madaling makakahiram ng isang plane na magagamit namin, pumayag naman ako sa offer kahit na nagtataka pa rin kung bakit kailangang sa Bora pa kung pwede namang around Manila na lang ang negotiation.
Hayssss. I'm not physically prepared.
Hindi manlang ako nakapag diet para sa bikini shots kung mayroon man dahil kasama ko naman ang mga kaibigan ko na naipaki-usap ko sa investors.
7AM na at hinihintay na namin ang sasakyan naming plane dito sa isang airport sa Maynila, sabay sabay na lang kami ng mga kaibigan kong pumunta rito dahil hassle pa kung tigi-isa pa kami ng sasakyan na dala.
Kawawa naman ang anak ko, naiwan.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng makita kong palapit sa akin si Kid.
Tangina, anong ginagawa n'yan dito?
Bago ko pa masagot ang sarili ko ay nakalapit na ito sa akin
"Tara na, I'll drive for you" mahinahong aya nito sa akin sa nakakaloko n'yang ngiti, naka shades pa.
"H-uh? A—ayoko, may lakad ako" nauutal kong sabi at lumakad pa ng kaunti palayo sa kanya dala dala ang maliit kong maleta.
"Tara na, Ava" mahinahon muling aya nito sa akin.
"Ayoko nga, kung ikaw lang naman ang driver maglalakad na lang ako, atsaka hoy... sa Boracay ang punta ko hindi sa kung saan lang kaya I don't need you to drive for me, piloto ang inaasahan kong driver ngayon" mataray kong sabi rito, agad nitong kinuha ang maleta ko at naglakad palayo kaya naman wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya at ganoon din ang ginawa ng mga kaibigan ko na nasa di kalayuan.
"Hoy ano ba? Akin na sabi---
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita kong huminto ito at may lumapit naman sa kanyang ibang piloto.
"Captain Alvarado, your suit is on the cockpit, Have a safe flight Cap!" bati ng isang mukhang mas batang Piloto
Tangina gago, piloto nga pala 'tong si Kid!
"Here's your luggage, kailangan ko ng umakyat sa eroplano" ibinaba nito ang luggage ko at umalis papunta na siguro sa eroplanong idadrive n'ya ngayon papuntang ibang bansa.
"Ok tanginamo" naiinis kong sabi rito.
"I love you too" kumindat pa ito bago tumalikod at ako naman naiwan na parang inaatake ssa puso sa inis at......... kilig.
Gago
"TAMES!" pang-aasar naman ng mga kaibigan ko sa akin.
"Iww para kayong mga bata!" pagsaway ko naman sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Strong Beautiful Soul
Художественная прозаAre you strong enough to take a new responsibilities? "Look at this ring, this is one of my life, not because on how it looks but because of its value, do you still remember the necklace you gave me when we're in college, this is your first gift to...