CHAPTER 5

25 9 0
                                    

Kid's POV

Kring.....

Kring...

Kri---

Nagising ako sa ingay ng alarm ko kaya naman agad ko itong inabot at pinatay. Lunes na naman ngayon kaya kailangan ko ng bumangon para ihanda ang sarili ko. Panibagong araw na naman ito ng pag-aaral, pakikipag socialize at pakikipagdaldalan.

Well, that's not normal..

Hindi agad ako bumangon sa kama ko. Nanatili akong nakahiga ngunit gising na ang aking diwa at katawan. Nagpalipas lamang ako ng limang minuto bago tumayo.

Pagbangon ko'y tumungo ako sa cellphone ko. Agad kong binuksan ang messenger ko, naka ugalian ko na ito sa tuwing gigising titignan muna ang cellphone para malaman ang mga late announcements or kung mayroon bang may important announcements na mula sa school.

Sa aking pagchicheck ay namataan kong online na si Ava, talagang maaga kung gumising si Ava. Sigurado akong nag-aaral at naghahanda na ito para sa pag pasok nya pero I don't care.

Nag scroll pa ako sa messenger ko at nakita kong may mensahe sakin si Jeyhan.

From: Jeyhan

Good morning, love.

Have a nice day today.

Napangiti ako sa mensaheng nabasa ko. Pero may gumugulo talaga sa isip ko ngayon, tama pa ba ang ginagawa namin kay Ava?

Biglang naalala ko yung araw na pumayag ako sa gustong mangyare ni Jeyhan.

**Flashback**

"Jeyhan, love I'm really sorry. Alam mo namang mahal kita diba? ikaw lang talaga yung mahal ko, kahit na pinagtatabuyan mo ko ikaw lang talaga yung mahal ko." nag mamakaawa ako kay Jeyhan na makipag balikan na s'ya saakin.

"Hey, what do you think you're doing?" pagtataray naman nito saakin.

"I'll do everything to prove my love for you, promise"

"Oh? Really?" nagugulat na tanong nito saakin.

"Yes love!"

"Ok, then make one lady from our classmates to fall inlove with you, 30 days Kid, just 30 days"

Nagulat ako sa narinig ko, pero napangiti ako ng maalala kong matagal ko nang nakakausap si Ava at alam ng lahat na wala syang ibang gusto kundi ako, kaya naisip ko na magiging madali ang lahat saakin.

"Ok deal. I'll make Ava fall in love with me as early as 30 days" I smiled heavily kasi alam kong magtatagumpay ako sa sirkumstansya nyang ito saakin.

"Okay. That's great honey, let's see, keep in touch with me, updates is all I needed" mataray nitong sabi sabay talikod nito saakin.

**end of the flashback**

WHAT THE HELL AM I THINKING THAT DAY!

I felt really guilty. Hindi ko dapat ito ginawa.

Dumeretso na ako sa CR ko upang maligo, palaisipan parin saakin ang kasamaang pinasok ko.

Pagkatapos ko maligo ay agad akong tumungo sa kwarto at nagbihis ng uniporme ko.

Bumaba na ako para kumain at pag kakain ay umalis na ako, gagamitin ko sana ang kotse ko pero naisip ko na mag motor sa araw na ito kaya naman inihanda ko na ang motor ko.

Sa kalagitnaan ng byahe ay iniisip ko si Ava, hindi ko matanggap sa sarili ko na masama akong tao na hindi ko manlang inisip ang damdamin ni Ava bago ako mag desisyon.

Strong Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon