CHAPTER 25

8 9 0
                                    

Driz' POV

"Kuya!" tawag sa akin ng nagmamadali kong kapatid na pababa sa hagdanan.

"Hey what's wrong?" nag-aalala ko namang tanong rito.

"Ate just posted a new tweet in her account" she showed me his phone.

"Are you sure it's Ate's official account?" paninigurado ko.

"Yeah, it is her official account" nabigla naman ako sa pagdating ni Aldy mula sa labas ng bahay.

"Then, what's she said?" I will admit it, I'm excited to know but I was scared to be happy.

"Chill, I'm alive, that is her tweet. I don't know if I should contact her or not, you know kuya , I'm shy" Al says.

"Don't be shy, I know Ate naman e, she's a good person and she loves us" sabi ko sa bunso kong kapatid.

"We're late" nakakabiglang wika ni Aldy.

"Saan?" sabay naming tanong ni Al.

"Ate is flying to California today, we can't be with her. She's far" malungkot na wika ni Aldy.

Walang nakapagsalita sa aming tatlo pagkatapos malaman ang katotohanan na pa-California na ang Ate namin na hindi manlang namin s'ya nakakasama ulit.

Nakakabilib si Ate kasi kinaya n'ya na sa malayo at natapos n'ya ang pangarap n'ya pero alam ko na babawian kami ng Ate ko, babawian n'ya ang mommy.

NAKAKATAKOT

Siya ang pinaka mahal ko sa lahat pero natatakot ako sa kaya n'yang gawin.

Ringgggg..

Ringgggggg...

Nagising ang dugo ko sa katawan ng may tumatawag sa akin. Isang di pamilyar na numero. Agad ko itong sinagot at...

"Driz" tinig ng isang babae na hindi ko inaasahan ang tawag sa oras at araw na ito.

"Driz" muling pagtawag nito sa akin.

"Ate?" nagdadalawang isip pa ako na tanungin kung siya ba ang ate ko.

"Pasakay na ako ng eroplano, bukas tatawagan kita ulit. Ikaw na muna ang bahala sa lahat. Alam kong busy ka pero umaasa ako na hindi mo pababayaan si Aldy at Al" pagbibilin nito sa akin na sa hindi ko malamang dahilan ay umiiyak na ako sa takot at tuwa na nararamdam ko.

"Sige. Mag-iingat ka" iyon lamang ang naisagot ko at narinig kong pinatay na ang tawag. Parang nadudurog ang puso ko na nag-iba na paraan ng ate kung paano ako kausapin, hindi ko s'ya masisisi dahil alam kong grabe rin ang sakit na naramdaman n'ya sa nakaraang taon.

Sana magkita kita ulit kami sa susunod na panahon.

Mabilis lumipas ang mga araw simula ng makausap ko si Ate. Pasukan na naman ulit para sa 4th year ito na ang huling taon namin para sa college at magtetake na kami ng kani-kaniyang boards. Kung bibilangin ko ang buwan ay April nang umalis ang Ate Hunyo na ngayon, mahigit isang buwan na s'yang na sa California at nakakapag usap na rin kami sa online at may GC na kaming magkakapatid at naibalita nga niya na pumapasok na s'ya sa isang Medical School sa bansang iyon. Madalas namin nakikita ang anak n'ya kapag kami ay nagvivideo call, isang batang lalaki na hindi maipagkakaila ang gandang itsura na sa tingin ko'y minana sa aming kapatid. Sa haba ng panahon na nakaka usap namin ang ate ay walang kaalam alam ang Mommy dahil sa oras na malaman n'ya ay siguradong mahihirapan na naman kaming muli na maka-usap si Ate. Mula nang araw na mapanood namin sa balita ang nag viral na speech ni Ate sa graduation n'ya ay wala kaming narinig na anumang salita galing kay Mommy na tungkol sa Ate ko, kaya naman wala kaming ideya kung ayos na ba sa kanya ang lahat o hindi pa.

----------------------------------------------------------------------------

Kid's POV

Dalawang buwan na ang nakalipas simula ng malaman ko na muling nagbalik na si Ava sa Social Media at napanood ko na rin ang nag viral n'yang speech noong grumaduate s'ya sa UP at nalaman ko rin na may anak s'ya, iyon na ang batang sinasabi n'yang anak namin na sinubukan kong takas an dahil sa galit at sakit. Sinubukan kong hanapin siya nung malaman ko na pumunta na s'ya sa Maynila pero nahirapan ako dahil nalaman ko rin na buntis si Jeyhan. Sa totoo lang ay hindi ko alam na nabuntis ko s'ya, may nangyayari sa amin pero alam ko sa sarili kong nag-iingat ako, pero wala na akong magagawa baka dala ng kalungkutan ko noon ay totoo ngang nakabuo ako.

Sinusubukan kong lakasan ang loob ko para kausapin si Ava pero nahihiya ako dahil sa ginawa ko, masaya naman ang buhay ko dahil alam ko na magkakapamilya na ako, ayoko pa ang magpakasal dahil alam kong hindi ko pa kaya maging asawa at mayroon pang problema na kailangan kong ayusin, nakakatakot ayusin dahil parang hindi na maaayos pero susubukan ko ang lahat para maayos ang problema na dinulot ko kay Ava.

"Kid, may iniisip ka?" tanong ni Jeyhan ng makita ako nito sa aming balcony.

"Hmmm, wala" simpleng sagot ko rito.

"Naiintindihan ko naman na nahihirapan ka sa mga nangyayari at naninibago ka pa rin na kasama mo na ako ngayon sa Condo mo pero, hindi ka ba masaya?" malungkot na tanong sa akin nito.

"Masaya" maikling sagot ko at iniwan na lamang ito sa Balcony at lumabas ng bahay para bumalik na sa trabaho.

Isa na akong Junior Pilot sa AirAsia at ilang buwan na lang ay maaari na akong makalipad, matutupad ko na ang pangarap ko. Sa kasalukuyan tinuturuan pa lamang ako ng mga Senior sa kung paano ang mga bagay bagay na dapat ay alam ko. Nakakatakot matututo pero mas nakakatakot hindi matuto. Gagawin ko ang lahat para maging matagumpay ako sa buhay at makabawi ako sa taong totoong minamahal ko.

OO, MALABO NA IYON NA MANGYARI PERO SUSUBUKAN KO KAHIT MAY GALIT AT TAKOT PA SA PUSO KO.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ava's POV

Isang taon na rin ang lumipas mula nang pumasok ang sa Medical School at ngayon ay nasa ikalawa na ako, libre ang naging pag-aaral ko rito dahil sa pag indurso sa akin ng aking sinintang paaralan sa Maynila kaya naman naisipan ko na palaguin ang perang naipon ko noon sa aking trabaho at nagpatayo ako noong nakaraang taon ng isang fastfood hub dito malapit sa paaralan na pinapasukan ko, hindi ako ang bumabantay rito dahil nakakuha ako ng bihasang chef at administrator para mamahal rito at hindi ako nabigo ng aking sinubukan ito dahil dumoble ng dumoble ang naipon ko at ngayon ay pinaplano ko nang magpatayo ng isang magandang resort sa Maynila, sa Pilipinas na susubok sa galing ng ibang resort na malapit sa lugar na aking napili. Pasisimulan ko na sana ito sa taong ito ngunit na isip ko na hintayin na ang lisensya ng aking mga kapatid upang sila na ang umasikaso rito nang hindi nalalaman ng aming ina.

Isa itong magandang plano, na ako lang ang nakakaalam ng tunay na kahulugan at nakakaalam ng tunay na mangyayari.

Isang araw na lamang sa pagtayo nito ay babagsak at may mawawalan ng pag-asa, may isang luluhod at hihingi ng awa at may mga taong mabibigla sa magiging kalalabasan.

Kung kasalanan ang gumanti, handa akong magkasala upang ipaglaban ang karapatan kong maging malaya sa sakit at pighati. Gaya ng sinabi ko noon, babalik ako.

"Hello Aldy?" tawag ko sa isang call.

"Ate?" sagot naman nito mula sa kabilang linya.

"May lisensya na ba kayo?" direkta kong tanong.

"Oo ate, kagabi lang lumabas ang mga resulta, tatlo na kaming lisensyado" masayang masayang wika nito.

"Kung ganon, I have a proposal" mahinahon kong sabi sa aking kapatid.

Kayong tatlo,

Aldrin Lanz C. Sandoval, Licensed Engineer

Alden Lourenz C. Sandoval, Registered Architect

Allain Nicholas C. Sandoval, Certified Public Accountant

Ang alas.

Strong Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon