CHAPTER 6

17 9 0
                                    

Kid's POV

Nakapikit pa ako pero naririnig ko ang paligid ko, magulo, madaming nagbubulungan, may umiiyak at may natatakot. Naguguluhan ako sa naririnig ko, gusto kong imulat yung mga mata ko pero natatakot ako sa mga pwede kong makita, sa mga pwede kong malaman.

Nagpapatuloy ang mga naririnig ko at hindi ko parin sila maintindihan, maya maya pa'y nawala na ang lahat ng naririnig ko. Nabigo akong marinig ang mga pinagkakaguluhan ng mga tao sa paligid ko.

Tantan's POV

Nagpaalam na umalis si El para bumali ng pagkain namin, isinama nya si Ava ngunit nababagabag ang isip ko ilang minuto na silang nawawala siguro'y mag iisang oras na.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko para tawagan sana si Ava at El pero walang sumasagot sakanila.

Nasaan na kayo sila?

Naguguluhan man ang isip ko dahil sa nararamdamang kaba, pinili ko na lamang umupo at inaasahang may dumating sa mga kaibigan namin para pumalit saakin dito sa kwarto ni Kid dahil gustong gusto ko na sundan si El at Ava, may hindi talaga maganda sa nararamdaman ko.

*Ting!*

Tumunog bigla ang messenger ko, isang mensahe ang dumating saakin. Agad ko itong binuksan.

From: Maverick Dy

Bro, OTW kami ni Gabo at Renz dyan.

Malapit na kami.

Binasa ko lamang ang mensahe at hindi na ako nag react at nag reply pa dito.

Lumipas ang tatlumpung minuto at hindi parin nakakabalik ang dalawa, alalang alala na ako alam kong may hindi na magandang nangyari sakanila.

Maya maya pa'y bumukas na ang pinto ng silid na kinaroroonan ko at ni Kid, duamting na sila Mavy.

"Bro ayos kalang ba?" bati ni Gabo sakin.

"Ah oo. Pwede bang kayo muna dito? hindi pa kasi bumabalik si Ava at El mag dadalawang oras na, Kailangan ko na silang sundan" pagpapaliwanag ko sa mga ito

Kumunot ang noon ng mga ito, marahil ay nagugulat din sila dahil inabot ng ganon yung dalawa.

"Sige kami na bahala dito" tinapik pa ni Mavy yung balikat ko.

"Dito na muna 'tong bag ko, babalik ako" pag papaalam ko sabay labas ng pinto.

Paglabas ko ng kwarto ni Kid ay tinahak ko na agad ang elevator nitong ospital. Lakad takbo na ang ginagawa ko, pumindot ako papuntang Ground floor kung saan naroon ang entrance at lobby.

Biglang huminto ang elevator sa 2nd floor, may papalabas na tatlong babae, alam kong medyo matatagalan pa kung hahantayin kongm akalabas sila at umandar muli ang elevator kaya naman lumabas nadin ako at saktong sakto sa pag takbo ko ay nakabanggan ko si El, nanginginig at umiiyak ito. Iginala ko ang mga mata ko sinusubukan kong hanapin si Ava pero wala s'ya kaya naman kinabahan talaga ako ng sobra.

T*ng**a anong nangyayari?!

Itinuon ko ulit ang pansin ko kay El.

"El, anong nangyari?" nag aalala kong tanong dito.

Imbis na sumagot ito ay agad ako nitong hinila papunta sa kabilang bahagi ng palapag na ito.

Laking gulat ko sa aking nakita. Napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko isang babaeng naka uniporme, walang kalakas lakas na nakahiga sa kama ng ospital na ito may mga aparato sa katawan at sa gawing puso. Putlang putla ang labi at balat nito, kahit nakapikit ay halatang halatang lumalim ang mga mata nito. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, si Ava ang babaeng tinutukoy ko.

Strong Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon