Kid's POV
"Tol, gising na!" nagulat ako sa boses ni Tantan.
Nakatulog pala ako ibig sabihin it's all just a dream...
"Nasaan na ba tayo?" tanong ko rito.
"Nandito na tayo sa bahay nila Ava" nilingon ko ang paligid ito nga ang bahay nila Ava, ito nga ang bahay sa panaginip ko. Isang napaka pangit na panaginip.
"Pare" tawag ko kay Tantan dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Nakatulog ka kasi pagka galing natin sa coffee shop hindi naman na kita ginising dahil baka kako iyan lang ang pahinga mo at baka puyat ka gabi-gabi" pagkekwento nito.
"Wag na tayong tumuloy." Maikli kong sabi rito na ikinagulat ni Tantan.
"E paano itong pagkain ni Ava?" tanong nito saakin.
Ibinaba ko ang bintana na nasa tabi ko at tinawag ko ang guwardiya sa labas ng bahay nila Ava.
"Hi excuse me Sir, can you give this to Ava please!!!" paghingi ko rito ng pabor at sabay abot ng mga pagkain.
"Ok sir ano pong sasabihin ko?" tanong nito.
"From Khaedi Alvarado and Tristan Salazar, thank you Kuya."
Isinarado ko na ang bintana ng kotse ni Tantan.
"Bakit nag bago ang isip mo?" tanong nito saakin.
"Ang pangit ng panaginip ko ayokong magkatotoo"
"Ano ba panaginip mo?" tanong nanaman nito saakin.
"Umamin daw ako kay Ava at nagalit sya sakin"
Isinalaysay ko sakanya ang nilalaman ng panaginip ko at nakakainis lang na tumatawa tawa pa ito.
"Talagang magagalit yon Kid, ikaw kaya ang lokohin haha?" tumatawa tawang sabi pa nito sa akin.
"Tara na, uuwi na lamang ako" pag aaya ko rito.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ava's POV
Sobra na ang iniisip ko ng biglang narinig kong bumukas ang small gate ng Garden namin, nagulat ako na isa sa mga bantay gate namin ang narito.
"Ma'am Ava" tawag sa akin nito at ini abot sa akin ang dala nyang brown paper bag.
"Kuya andyan na po ang Mommy?" tanong ko rito dahil yun lang naman ang alam kong nagdadala ng ganitong mga pasalubong saakin.
"Ay hindi po kay Madam Victoria ito nanggaling" nakangiti nitong sambit saakin.
"Ha? Kanino po ito galing kung hindi sa Mommy?" itinaas ko pa ang ini abot nito saakin na paper bag.
"Kay Sir Khaedi Alvarado at Tristan Salazar po" sabi nito na parang iniisip pa kung tama ang mga sinabi nyang pangalan.
"So formal, Kid at Tantan lang po ang tawag namin sa mga iyon." Kwento ko rito.
"Yun po ang sabi nila Ma'am hehe" nahihiyang tatawa tawa ito sa aking harapan.
"Salamat po Kuya." Sabi ko rito at ng akmang papaalis na ito'y..
"Kuya, may anak po kayong inuuwian hindi po ba?" tanong ko rito.
"Meron po Miss, isang Grade 11 at isang Grade 3" nagugulat siguro ito dahil inaalaam ko ang mga ganitong bagay na hindi naman parte ng pangangailangan ko sakanila sa araw araw.
BINABASA MO ANG
Strong Beautiful Soul
Fiksi UmumAre you strong enough to take a new responsibilities? "Look at this ring, this is one of my life, not because on how it looks but because of its value, do you still remember the necklace you gave me when we're in college, this is your first gift to...
