Ava's POV
Araw ng Miyerkules..
Hindi ako pumasok kahapon dahil na rin sa daming gawain na dapat kong tapusin at dahil na rin sa nangyari. Ngayon ang araw ng assembly meeting para sa mga mag- aaral ng UC. Pagdating ko sa school ay dumiretso ako sa opisina ng Dean at ibinaba roon ang lahat ng gamit ko dahil hindi ko na kailangan pang magtungo sa aming silid dahil tatrabahuhin ko na nga ang nalalapit na Graduation at Grand Ball. Pagkagaling sa opisina ng dekano ay nagtungo ako sa Radio station ng aming paaralan kung saan naroon ang mga mag- aaral ng UC na namamahala.
"President" tawag sa akin ng isa ng makita ako nitong pumasok sa kanilang himpilan.
"Mag ra-radio broadcast ako, sana" sabi ko rito.
"Para saan Ava?" tanong nito.
"May meeting kasi ngayon ang buong paaralan para sa nalalapit sa Grand Ball, do you mind if I take 5 minutes of your air time and announced it para na rin malaman nang lahat." Nakangiti kong pagpapaalam dito.
"Ofcourse Ava, ngayon na nga pala ang meeting ibig sabihin isasara muna namin ang station para makapunta kami roon?" tanong nito sa akin.
"I think so, the meeting will take 1 hour and 15 minutes" sagot ko naman sakanya.
"Sige sige. You can use the left mic, introduce lang kita tapos pwede ka na magsalita" sabi ng lalaking namamahala rito, kung hindi ako nagkakamali ay Grade 12 din ito.
Agad akong umupo sa swivel chair kung saan nakatutok ang mikropono. Umupo na rin ang DJ at nagsimula na sa kaniyang sinasabi..
"Magandang araw UC, pamansamantala kong ititigil ang pag ere ng ilang musika na swak sa inyong pandinig sa umagang ito para sa isang anunsyo na mag mumula sa Gobernador ng Senior High School Department at Pangulo ng buong Unibersidad... Please acknowledge her presence, President Avrielle Amaia Sandoval" pagpapakilala nito sa akin at nagpatay ito ng mikropono at sinindihan ko naman ang akin.
"Magandang araw UC, This announcement is for Junior High School Grade 7 to 10, Senior High School both Grade 11 and 12 and all the College Department from 1st year to 4th. Can I have your attentions please? Today is Wednesday which is scheduled for an assembly meeting for everyone at UC's SHS gymnasium, we're expecting everyone to come exactly 10AM TODAY. This is a mandatory announcement, attendance is a must. Good morning and thank you all so much. I really appreciate your patience." Mabilis lamang akong nag anunsyo at agad na pinatay ang Mic, tinignan ko ang oras 9:30 na kaya naman nagpaalam na ako sa mga namamahala nitong radio station at lumabas na upang magtungo sa himnasyo.
Ilang sandali pa'y nagsipag datingan na ang mga mag- aaral ng kolehiyo at Junior High School marahil ang mga Senior High School ay papunta na rin. Habang nag hihintay ay inihanda ko na ang mikropono at ilan pang kasangkapan na kakailanganin para sa meeting na ito.
Natigil ako nang nagsipag datingan na ang mga kaibigan ko.
"Ava" tawag sa akin ni El.
Agad naman akong lumapit sa mga ito.
"Bakit?" nagulat ang mga ito dahil parang hindi naman ako ganon umasta dati.
"Tutulungan ka namin bukas, para dito tapos sa gabi humanap tayo ng mga susuotin natin ha?" suhestiyon ni El.
"Wala ako bukas, may natawagan na rin naman kasi akong mag aasikaso ng lahat kaya sa hapon lang ako sisilip para makita ang kalagayan ng gym." Sabi ko sa mga ito.
"Saan ka bukas?" tanong ni El.
"Baka magpapagawa ng damit." Maikli ko namang sabi rito at hindi ako ngumingiti.
BINABASA MO ANG
Strong Beautiful Soul
Ficción GeneralAre you strong enough to take a new responsibilities? "Look at this ring, this is one of my life, not because on how it looks but because of its value, do you still remember the necklace you gave me when we're in college, this is your first gift to...
