CHAPTER 30

13 8 0
                                    

Aldy's POV

Umagang umaga rinig na rinig kong nagagalit si Mommy sa baba parang may mali na hindi n'ya kayang solusyunan kaya naman agad agad akong bumaba sa living area at nakita si Al at Kuya na kasama ni Mommy na nanunood ng TV.

"Unbelievable!" sigaw ni Mommy ng makita ang bagong resulta ng rating ng mga Best Resort in Luzon or Most Recognized Resort in Luzon. Maski ako ay nabigla sa nakita ko, our Resort was not in the Top 10 for the first time, anong nangyari dati lagi kaming na sa una o ikalawa dahil talagang prestihiyoso ang Resort na pag-aari namin. "At sino itong nag number one na ito, bago sa pandinig ko ang pangalan ng resort na iyan, anong meron d'yan? Alam n'yo ba kung saan yan?" sunod sunod na tanong ng Mommy ko sa mga kapatid ko na mukhang nagtataka na ngayon.

"How come you didn't know it? Hindi mo kilala ang resort na yan Mommy?" tanong ko rito.

"Bakit pa ako magtatanong kung alam ko hindi ba?" parang kasalanan ko pa na nagtanong ako.

Anong nangyayari?

Akala ko ba partner resorts sila?

Akala ko ba nag register na si Ate sa resort ni Mommy para maging sister resort ng Resort namin ang kanya?

Anong hindi namin alam?

Number 1 ang resort ni Ate sa list ng Most Recognized Resort in Luzon.

Kung s'ya ang number 1 dapat ang kay Mommy ang mag number 2 dahil sister resort sila at iyon ang dapat.

"Sana mali ang iniisip ko Aldy" sabi ni Kuya na humabol sa pag labas ko ng bahay at pagsakay ko ng kotse.

"Sana nga, dahil kung tama ang iniisip natin, hindi ko mapapatawad si Ate" mapagbanta kong sabi.

Tumungo kami sa opisina ng Resort at kitang kita ko kung gaano ang saya ni Ate sa panonoos ng TV.

"Hey, good thing you're here guys. Thank you for making my Resort this Brilliant that's why it is----

Hindi na natapos nito ang sasabihin n'ya ng sumagot si Kuya "recognized by the people? Yun ba ang ipinagpapasalamat mo?" sarkastikong tanong ni Kuya.

"Ate, maging tapat ka. Magka sosyo ba talaga kayo ni Mommy?" parang nawala sa sarili si Ate at nawala ang ngiti nito sa labi n'ya.

"Hindi" mabilis na sagot nito na nagpainit talaga sa ulo ko.

"BAKIT?!" sigaw ko sa kanya.

Hindi ko nakita noon, kahit kailan na mangyayari ito sa aming magkakapatid, hindi ni minsan.

"Anong bakit?" tanong pa nito sa akin.

"Bakit ka nagsinungaling?" tanong ko sa kanya at nakita ko s'yang lumuluha.

"Bakit mo ginagawa to?" tanong naman ni Kuya sa kanya.

"Bakit kailangang paglabanin mo ang sa'yo at kay Mommy? Nanay mo s'ya Ate!" tanong at panunumbat ni Al sa kanya.

"TAMA NA!" pagsigaw nito sa galit at takot, iyon ang nakikita ko sa kanya.

"Bakit nga?!!" sabay sabay naming tanong sa kanya.

"Hindi ko n'yo ako naiinitindihan, wala kayo sa kalagayan ko!" saktong pagsigaw n'ya ay may sumampal ng sobrang lakas sa kanya.

Mommy...

Sumunod pala si Mommy sa amin.

"Ikaw na naman? Hindi ka na nadala, ako na lang lagi ang kinakalaban mo!" sigaw nito at itinulak pa si Ate sa lamesa kung saan nakita kong tumama ang likod nito sa kanto ng lamesa na alam kong napaka sakit pero mukhang hindi na n'ya iniinda pa ito.

Strong Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon