Ava's POV
"Ay Baklaaaaaa!!! Ilang minuto nalang magsisimula na ang Ms. UC, tapos ikaw nandito kapa din? jusko napakabal mo talaga!!!!" sigaw sakin ni El ng makita ako nitong nag cecellphone pa kahit na bihis na ako at ayos narin ang itsura ko.
Haysss. Kahit kailan talaga to laging nagmamadali.
"Bes, chill kalang kasi. Hindi nila yon sisimulan ng wala ako or kung may kulang pa sa contestants ha? gusto mo ikaw na ang lumaban para saakin? biro lang bes HAHAHA" malambing ko namang sabi dito na may halong pang aasar habang patuloy parin ako sa pagtipa saaking cellphone.
Bakit ba kasi hindi 'to nagrereply?
"Tsk. Osya sige kumilos kana, ayokong malate ka don. Kahit ikaw pa ang pinakamaganda sakanila dapat on time ka, kaloka ka ikaw nalang ang kulang girl!!!" may pag aalalang sagot nito sakin pero may inis parin sa tono nito.
Napakasungit naman..
"Sige ganito nalang El, mauna kana don tapos susunod nalang ako mabilis nalang to." sambit ko ng may pangungumbinsi at tunay ang aking paghanga sa aking kaibigan dahil sobra ang pag aalala nya sakin. Pero katulad kanina patuloy parin ako sa pagpindot sa aking cellphone.
Mag-reply kana please!!!
"HOYYY! HALIKA NA SABI!!!" nagulat ako sa biglang pagsigaw nito buong akala ko'y umalis na sya at nagtungo sa himnasyo, sobrang malimit nya lamang gawin ang pagsigaw sa boses nyang lalake kaya tunay namang nabuhay ang dugo sa aking katawan.
HAHAHAHA.
"Bes, wait lang talaga pwede?" paghiling ko pa rito habang may tinatawagan na sa aking cellphone. "Sabi ko naman sayo kasi mauna kana e" pagdadahilan ko pa dito.
"Sino ba kasi yang tinat----"
"5 minutes more please!!" hindi ko na sya pinatapos dahil seryosong may gusto akong makausap bago ako sumabak sa laban kaya hindi ko narin napigilan yung sarili ko na masigawan sya.
Arggg.. anong ginawa ko?!
"Ok! bahala ka sa buhay mo." malamya nitong sabi habang nakatingin sakin ng parang anumang oras ay kaya niya akong patayin. "Mauuna na ako." sabay talikod nito sakin.
Ay si bakla, laban na laban sa pagiging best actress!
HAHAHAHA"Halika na nga sabi ko diba? oh?dalian mong kumilos, ang bagal bagal mo, malelate na tayo diba?" bigla ko na siyang inaya dahil alam kong ikabubuti ko lang naman yung gusto nya kaya nais nyang ON TIME ako. Grabe nahiya na ko sa kaibigan ko. Sa pagtungo namin sa himnasyo, tama nga si El ako nalang talaga ang kulang. Tunay ngang malapit na magsimula ang patimpalak.
nakakahiya dude.
"Hi, Ms. Sandoval finally you're here!!!" maligayang bati sakin ni Mr. Castro yumakap pa ito saakin, sya yung nagturo samin sa dapat at mga hindi dapat naming gawin sa mismong laban.
"Sir?" tanong ko sakanya pag ka hiwalay nya sa yakap saakin.
"I thought you're backing off na!!" pagaalala nito saakin.
"Sorry Sir, I am very late it's just that..." hindi ko natapos ang aking sasabihin.
Tsk. Kasi naman e..
"No Ms. Sandoval it's all good. You're just in time." he smiled.
"Really? Thank you so much!"
"No worries, Ava." he replied.
"May nangyari lang po talaga and I think I have to fix it agad agad" malungkot kong bida rito.

BINABASA MO ANG
Strong Beautiful Soul
General FictionAre you strong enough to take a new responsibilities? "Look at this ring, this is one of my life, not because on how it looks but because of its value, do you still remember the necklace you gave me when we're in college, this is your first gift to...