Saturday..
Ava's POV
Hello Ava, this is Siri. You've set your alarm at 8AM today to go jogging.
Kring~~Kring~Kri...
Nagising ako sa oras na aking inaasahan. May Jogging ako ngayon kasama yung tatlo kong mga kapatid. Tuwing may jogging kami pinipilit kong magising ng mas maaga para makapag warm up pa ako at makapag relax muna, ayoko kasing tumakbo kaagad.
Bumangon na ako at inayos ang aking pinaghigaan, isininop ko nadin yung mga pinagkalatan ko kagabi; hinubad na damit, medyas, sapatos, books, bag, trophy, sash at marami pang iba. Pagkatapos kong magsinop ay tumungo na ako sa aking CR, naghilamos at nagtoothbrush na ako. Inayos ko na ang sarili ko, sinuot ko na ang kasuotan ko na pang jogging; gym pants, sweater at shoes. Nagsuklay narin ako at itinali ang aking buhok sa isang tali. Pagkatapos kong gumayak ay tumungo na ako sa aking mini ref katabi ng aking TV, nagsalin ako ng tubig sa baso pagkatapos ay kinuha ko ang aking maintenance na gamot sa drawer ng aking cabinet. Pagkayari ko itong inumin ay pumasok ako sandali sa aking walk-in-closet saka kumuha ng towel at cap.
Lumabas na ako sa aking kwarto, tamang tama lang ang labas ko dahil naririnig ko mula sa labas ng mga kwarto ng aking mga kapatid na naghahanda narin ang mga ito. Alam kong matatagalan pa sila bago makababa kaya naman bumababa na ako at nag tungo sa gym ng bahay namin. Isinaksak ko ang treadmill at isinet ko ito sa mabagal lamang na tiyempo. Ginagawa ko ito bilang paghahanda sa jogging namin ngayong araw, para hindi ako mabigla kung sakaling mag aya ng sprint ang mga kapatid ko.
Sampung minuto rin akong nasa loob ng gym ng sumilip sa pintuan nito ang bunso kong kapatid na si Al na nakita ko sa big mirror ng gym namin.
"Ate, tara na daw." pagaaya nito sakin saka lumapit at nagabot ng maligamgam na tubig na kadalasang pinapainom nila saakin tuwing pag katapos at bago mag jogging.
"Thanks Al. Let's go?" pag aaya ko rito.
"Yep. They're waiting outside" he smiled to me as he open the door of the gym.
Tama nga, pagkalabas namin sa garden nakita ko ang mga kapatid ko na handang handa na para sa jogging namin ngayong araw.
Lumakad na kami palabas, medyo may kalayuan pa kasi ang gate dito sa mismong bahay namin kaya lumakad pa kami ng kaunti. Pagkalabas naman namin ng gate ay nag simula na kaming mag lakad lakad, laging ganito ang nangyayari samin tuwing may jogging kami. Five minutes din kaming naglakad bago kami mag start na mag jogging, nung una ay sabay sabay pa kami ngunit sampung minuto ang lumipas ay naiiwan na ako sa aking mga kapatid.
Nakita ko sa 'di kalayuan na huminto ang mga ito upang hintayin ako, labinlimang minuto nadin ang lumipas simula nung nag jogging kami.
"Sprint?" pagaalok ni Aldy na agad namang sinang-ayunan ni Driz at Al.
"Ate?" paghingin ni Driz ng aking opinyon.
"Ah haha sure sure, sprint ba? ilang minuto?" pagtatanong ko sa mga ito.
"We still have 10 minutes to fulfill our 30 minutes plan" sagot ni Aldy.
"Ok, then let's go" mayabang kong pag aaya sa mga ito pero nanatili lang nakatingin ang mga ito sakin.
"Are you sure?" tanong sakin ni Al.
"Oo naman, anong akala nyo saakin?"
"Ok tara na magsimula?" pag aaya na ng aking kaptid na si Aldy.
Bumilang ng tatlo ang kapatid kong si Driz saka sabay sabay kaming tumakbo ng mabilis, ang ganitong pagtakbo ay nakakapagod talaga.
Sa unang minuto hanggang ikatlo'y sabay sabay pa kami ngunit ng tumagal pa'y parang nanghihina na ako kaya naiiwanan na nila ako.
BINABASA MO ANG
Strong Beautiful Soul
General FictionAre you strong enough to take a new responsibilities? "Look at this ring, this is one of my life, not because on how it looks but because of its value, do you still remember the necklace you gave me when we're in college, this is your first gift to...