Kid's POV
Dalawang buwan na ang lumipas ng magmula kami sa California at magdadalawang buwan na rin ang lumipas mula ng matanggap ko ang isang sulat kamay mula kay Ava na nakikipag hiwalay na s'ya sa akin. Ipina-mail ito sa aking tinitirhang dormitoryo rito sa Baguio.
**Flashback**
Sampung araw na ang nakalipas mula ng mag 21 ako kasama si Ava, mula ng makabalik kami sa Pilipinas ay hindi pa ako nakakatawag sa kanya dahil kasalukuyan kong inaayos ang mga papel ko para sa susunod na taon dahil mag-aaral na ako ng pagka piloto, ang buong akala ko'y naiintindihan ako ng aking nobya ngunit isang gabi ay umuwi muli ako sa aking dorm at nakita kong may sulat sa aking mailbox.
Isang sulat mula kay Ava...
Mayroon naman kaming FB, IG, Twitter at Messenger ngunit hindi ko batid kung bakit kailangan nya pang isulat at ipadala sa aking tinutuluyan, nakaramdam ako ng kaba dahil naninibago ako. Bihasa si Ava sa teknolohiya kaya hindi ko mabatid kung bakit ngayon ay sinulatan niya ako.
Agad akong pumasok sa loob ng bahay na tinutuluyan ko at nakita ko kaagad na naroon ang bantay ng bahay.
"Excuse me po Ate Girlie, kailan po nai-drop ang sulat na ito dyan sa mail box natin?" itinanong ko sakanya dahil alam kong hindi s'ya malilito dahil ito lamang ang sulat na nakapaloob sa mailbox.
"Ah hijo, kahapon ng tanghali yan inihulog roon." Turo pa nito sa aming labasan.
"Nakita ninyo po ba sino ang naghulog?" pag uusyoso ko rito. Alam kong sulat ito ni Ava dahil sa ngalan na nakalagay ngunit nais kong malaman kung siya rin ba mismo ang nagdala nito rito.
"Magandang babae ang naghulog nyan dito, mahaba ang buhok at balingkinitan ang katawan" paglalarawan ni Ate Girlie na bumubuo ng imahe ni Ava sa aking isipan ngunit hindi pa iyon sapat na kaalaman kaya naman,
"Saan po nakasakay ang babaeng naghulog nito?" alam kong Lexus GX 460 ang sasakyan ni Ava na kulay itim kaya naman..
"Sa isang magarang sasakyan ito nakasakay kulay itim na kotseng SUV" napagtanto kong si Ava nga ang babaeng tinutukoy ng babaeng aking kinakausap.
"Salamat po" mabilis akong pumasok sa silid na aking nirerentahan at laking gulat ko ng buksan ko ang sulat at ito ang nilalaman,
Dear Khaedi,
Well, I don't really know how to say this but I think I can't be with you any longer. I have been trying really hard to make this work but I think I have lost hope now. There are a lot of problems between us and we fight every day. We end up hurting each other's feeling every time we try to talk. I don't have any complaints against you, it's just that we should realize that both of us are very different individuals, we have different needs, trying to make this work would be a waste of time.
You don't seem to understand my problems, and likewise I don't think I can understand yours. I tried but I cannot go on like this; it's too painful for me. We are from two different worlds and have been brought up in a very different way. I think it will be better if we go separate ways. Life would be very difficult without you as you have been become such an important part of it. I thank you for all the good times. I am going to miss you a lot. Take care of yourself. Go ahead, move forward for good and find the love you deserve.
Regards,
Avrielle
Parang sasabog ang puso ko sa nabasa ko, gusto kong magalit dahil alam kong hindi kami nag-aaway pero iyon ang dinadahilan nya, sabi nya hindi nagwowork at magwowork? E ano yung tatlong taon? Gusto nya akong humanap ng iba e sya nga lang ang babaeng nasa puso ko.
BINABASA MO ANG
Strong Beautiful Soul
Ficción GeneralAre you strong enough to take a new responsibilities? "Look at this ring, this is one of my life, not because on how it looks but because of its value, do you still remember the necklace you gave me when we're in college, this is your first gift to...
