Ava's POV
Inabot ng 3 hours and 21 minutes ang biyahe ko papuntang Maynila, sumakay ako sa isang public bus at bumaba ako sa isang terminal. Nakakahilo ang dami ng mga tao rito at sasakyan, naging mahirap sa akin ang pagbaba sa bus na aking sinakyan dahil sa rami ng tao at dumagdag ang dami ng aking dala, isang maleta na naglalaman ng mga damit ko, isang travel backpack bag na naglalaman ng mga gadgets at documents ko at isang mini bag na naglalaman ng wallet at cellphone ko.
Lumapit ako sa isang babae at nagtanong ng direksyon sa kung saan ako maaaring makahanap ng murang paupahang apartment na malapit sa Dosenyo Industrial Design Services nan aka locate sa Makati at itinuro ako nito sa isang apartment place na mararating ko sa pamamagitan ng patataxi, ang apartment na ito raw ay limang minuto lamang ang layo sa aking trabaho.
Sa daan patungo sa apartment na iyon ay naisip kong kailangan ko pa humanap ng isa pang trabaho nang sa gayon ay maging balance ang gastusin at makaipon ako para sa panganganak ko.
Sampung minuto lamang mula sa traffic ay nasa isang apartment site na ako. Agad akong nagtungo sa guwardiya at nagtanong kung magkano ang buwanang bayad sa isang kwarto, ang sabi nito ay may dalawang uri sila ng kwarto isang family size at isang room sized. Dahil mag-isa lang ako, pinili ko ang room sized at 1k lamang itong ibinigay sa akin ng guard ng nagmamay-ari ng apartment na ito, binabaan pa nito ng dalawang daan ang upa ko nang malaman nito na buntis ako.
"Hija, pinaplano mo bang mag-aral pa?" tanong ni aling norma sa akin na s'yang may-ari ng apartment na ito.
"Opo sana kaso wala pa po akong enough na pera para mag-aral ulit" sagot ko naman rito habang iniaayos ang gamit ko sa kwartong tutuluyan ko.
"Subukan mo kumuha ng online course na katuloy ng inaaral mo sa UP hija, saying ang mga marka mo kung hindi mo ito ipagpapatuloy" sabi nito habang binabasa ang mga records ko na nagmula sa UC.
"May ganoon ho?" tanong ko naman.
"Oo ganoon ang kinuha ng anak ko non, nag exam lang rin sya sa online at sa kabutihan ng diyos ay nakapasa sa UP" pagkukwento nito.
"Kung ganoon po ay magandang balita" ngumiti ako rito.
"Hayaan mo bukas ay papupuntahin ko siya rito sa kwarto mo ng matulungan ka niya, BS Pharmacy siya ng mag shift sa online mode." Nakangiting pagsasabi nito.
"Nako, maraming salamat po"
"Saan mo pala plano magtrabaho, hija?" tanong nito sa akin.
"Diyan lamang po sa Dosenyo—
"Nako! Diyan din nagtatrabaho ang aking anak na sinasabi kong nag online schooling sa UP, magkakasundo kayo" natutuwang bida nito sa akin.
Para naman akong naulanan ng kasiyahan ng malaman kong may chance na magkaroon ako ng friends dito sa maynila. Pag-alis ng land lady ay agad kong inopen ang mga devices ko at nagapply sa UP Online end course (walang ganon sa reality,charr di ko sure) at agad naman akong binigyan ng pansin at date para mag-exam sa kanila. Nagscreen shot ako ng application ko sa UP pero nakablur at burado ang ilang detalye, at ipinost ko ito sa aking FB Page, pagkatapos ay ni log-out ko lahat ng accounts ko sa social media. Mabenta ang page ko na iyon kaya batid ko na sa tatlumpong minuto bago ko ilog-out ang mga social media accounts ko'y marami nang balita tungkol sa akin ang kumakalat.
Gumabi na rin at naisipan ko na lang na matulog upang bukas, araw ng sabado ay makapaglinis at makabili ako ng mga kailangan ko rito sa bahay.
Maaga akong nagising sa kinabukasan at tulad ng inaasahan ay dumating ang anak ng land lady, isang balingkinitang babae na sa tingin ko'y tumitindig ng 5'6.
"Hi Ava!" pagbati nito agad sa akin.
"Hi, ikaw ba ang anak ni aling Norma?" tanong ko rito.
"Ako nga, designer din ako sa Dosenyo, at balita ko ikaw ang assigned executive para sa hottest billboard for next week tama ba?" nakangising chika nito na umupo agad sa aking kama.
"Oo, tiga Cabanatuan nga pala ako"
"Kilala kita" nakakagulat na sabi nito.
"Ha?" nagtatakang tanong ko rito.
"Sikat ang pamilya mo, lalo na ang nanay mo. Anak ka ni Mrs.Sandoval at kayo ang may-ari ng 5 star resort and hotel d'yan sa BGC na tuluyan ng mga turista, diba?" paninigurado nito.
"Oo, pero alam mo." Panimula ko rito "Pinalayas na ako sa amin ng nanay ko na yon kasi nga nabuntis ako at kahihiyan daw ako sa kanya, kaya ayan nagbabakasakali ako rito sa maynila" nakasimangot kong pagsasalaysay.
"Alam mo yang offer sa iyo ng Dosenyo, malaking pagbangon sa iyo iyan kapag tinanggap mo"
"Ha? Bakit?"
"Biggest project of the year iyon at totoong mahusay kang dumisenyo kaya kapag tayo ang nanalo sa Manila's Billboard competition, sure ako in 2 months milyunarya ka" kumikindat pang kwento nito.
"Totoo?"
"Oo pero laging pangalawa lang ang dosenyo sa billboard e, kasi laging panalo yung sa Citrus."
"Citrus?"
"Other Marketing companies na naman yon kaya naman maraming kaagaw ang dosenyo."
"Ah alam ko na ngayon, susubukan kong galingan"
"BTW kanina pa tayo nagdadaldalan, ako nga pala si Sandra Emma Ramon just call me Sandy. BS Pharmacy graduate din ako ng UP Diliman so hindi mo na need bumili ng books sa UP, iyo na Books ko ng 4th year, makabawas manlang sa gastos mo" napakabuti ng tao sa harapan ko, akala ko dati ang mga hindi pinagpala ng kaunlaran sa buhay ay hindi katulad nila ni aling norma, pero mali ako, sila ang tunay na pusong dalisay.
"Ano? Hala thank you so much Sandra!"
"Sus! Halika na at nasabi sa akin ng Nanay na aalis ka raw para mamili ng karagdagang gamit sa bahay? Samahan na kita, kasi baka madukutan ka sa labas e" pagmamalasakit nitong muli.
"Sigurado ka ba? Baka makaabala ako sayo at baka may pasok ka pa?"
"Nako hindi, ang pasok ko ay sa Linggo rin tulad mo"
"Kung ganon ay tara na" pag-aaya ko rito.
"Hep, hep!" pagpigil nito sa akin.
"Bakit?"
"Iwanan mo ang cellphone mo, kagandang cellphone, baka manakaw yan sa labas at ang pera mo tanchahin mo lang ang idadala mo, may kotse ako, luma lang kaya di mo kailangan magdala ng pamasahe"
"Kasya na ba ang 5k?" tanong ko rito.
"Girl, gamit lang rito sa bahay ang bibilhin mo diba? Saka groceries? Hmmmm 3k lang good nay an, tulungan kita magbuget"
"OMG really?!"
"Yes, jusko hindi naman sinabi ni Nanay na anak pala ng isang Sandoval ang kakaibiganin ko" natatawa pang sabi nito.
"You know what, inutang ko lang sa kaibigan ko ang baon kong pera rito sa maynila dahil kinuhang lahat ni Mommy ang pera ko, grabe diba?" nalulungkot kong sabi habang lumalakad kami papuntang kotse nya.
"Nako, e huwag ka na malungkot, mababawi mo rin yan lahat soon!" pagpapalakaas nito sa aking kalooban.
At bumyahe kami patungo sa mataong lugar, sabi n'ya 'divi' raw anong tawag sa lugar na ito. Totoo ngang tinulungan ako ni Sandy na mamili ng mag gamit at makatipid talaga.
Hindi ko inaasahan bibigyan akong muli ng Diyos ng pagkakataong maging masaya sa kaibigan.
Salamat, Sandy!
BINABASA MO ANG
Strong Beautiful Soul
General FictionAre you strong enough to take a new responsibilities? "Look at this ring, this is one of my life, not because on how it looks but because of its value, do you still remember the necklace you gave me when we're in college, this is your first gift to...
