CHAPTER 21

14 9 0
                                    

Ava's POV

"Alam mo kasi Ava, pwede ka naman dito sa akin e. Walang magiging problema iyon sa akin, sa mommy at daddy ko at ano ba ang pakialam ng ibang makakaalam? Ikaw, kaibigan kita at handa akong tulungan ka sa abot ng aking makakaya" nakapamewang na pag didiwara ni Leigh.

"Leigh, hindi. Patuluyin mo lang muna ako, bigyan mo ako ng ilang araw pa makahanap ng magiging capital ko at aalis ako"

"Saan ka naman pupunta?" tanong nito na umupo ssa aking tabi at tinulungan akong itupi ang mga gamit ko na isinabog ng landlady.

"Sa Maynila"

"Anong gagawin mo sa Maynila? Kaya mo ba roon?" nag aalalang tanong nito sa akin.

"Kakayanin ko syempre"

"Dito ka na lang!" sigaw nito sa akin.

"Hindi, kailangan ko pumunta sa Maynila para makabango muli, hindi na ako dalaga, mag kakaanak na ako Leigh" mahinahon kong sabi rito habang nagtutupi pa rin ng mga gamit ko.

"Bakit nga sa Maynila pa?"

"Dahil hindi na ako pwede rito sa Cabanatuan, wala na akong buhay dito at hindi ako titigilan ng mommy ko kung nandito ako" pagpapaliwanag ko sa aking kaibigan.

"Kung ganon ay sasama ako sa'yo" suhestiyon nito.

"Leigh, hindi pwede. May sarili kang buhay at hindi mo ako kailangan intindihin"

"Paano kung mapahamak ka roon? Walang makakaalam, walang tutulong sa'yo, wala ako, paano kung patayin ka ng mga gago roon? Ava, mag isip ka" pataas nang pataas ang boses nito.

"Leigh, kung mamamatay ako, mamamatay talaga ako. Leigh kapag nandito ako hindi ko alam ang mga pwedeng mangyari, pwedeng ako mismo ang pumatay sa sarili ko, pwedeng ang mga ginagawa nila sa akin ang maging dahilan ng pagkamatay ko. Leigh wala nang saysay ang buhay na mayroon ako, pinipilit ko na lang maging matatag para sa bataang dinadala ko, gusto ko nang wakasan ang buhay na mayroon ako pero hindi ko kayang pumatay ng bata na nasa katawan ko."

"Hindi ka mamamatay!"

"Hindi ko sigurado" Yun ang totoo, hindi ako sigurado.

"Bakit ba kasi nangyayari ito?" nakahawak ito sa kanyang sintido habang winiwika ang mga salitang iyon.

"Dahil sa pagmamahal Leigh, yun lang ang dahilan." Ngumiti ako rito para maitago ang pait sa aking nararamdaman.

Lumipas ang mga oras at alam kong gumagabi na. Hinatid ako ni Leigh sa kwartong pinagtuluyan ko nung pinalayas ako ni Mommy sa bahay namin.

"Salamat" yun lamang ang naging wika ko at isinara na nito ang pintuan.

Naligo at nagbihis na ako ng pangtulog, mahihiga na sana ako upang matulog pero lumabas akong muli at kumatok sa kwartong kinaroroonan ni Leigh.

"Leigh, can I come in?" agad bumukas ang pinto.

"May masakit ba sa iyo? May kailangan ka ba?" nagaalalang tanong nito.

"Can I borrow your laptop tonight? May kailangan lang akong hanapin" ngumiti at habang nakatingin sa mga mata nito, nakita ko ang awa sa kanya at laking gulat ko nung bumaba ito sa isang kwarto sa ibaba nang hindi manlang sinabi sa akin kung bakit, pakiramdam ko'y ayaw akong pahiramin nito dahil ginagamit n'ya rin naman ang laptop n'ya, pero nagkamali ako sa muling pag akyat nito'y may dala dala ito.

"Ava, this is not as high end as your laptop before pero ito yung pinagpalitan ko, it's all working" iniabot nya sa akin ang laptop at ang bag na sa tingin ko'y lalagyan nito. "Nasa bag ang mga gamit ng laptop, sa iyo na iyan para magamit mo hanggang sa pagpunta sa Maynila" nakangiti ito, akala ko'y tapos na ito sa kanyang kabaitan ngunit "At ito Ava, alam kong nahihirapan ka sa cellphone na ginagamit mo ngayon at batid kong nasira rin iyon kahapon kaya ito, pinagpalitan ko rin iyan, again this is not an ios phone pero sana makatulong sa iyo." Inaya na ako nito sa aking kwarto at sinet up doon ang laptop, malinis at buong buo pa ang laptop, sa tingin ko'y nagpalit lamang siya para dahil may nakita siyang bagong laptop.

Strong Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon