CHAPTER 12

11 7 0
                                    

Ava's POV

Aalis na dapat ako sa lugar kung nasaan kami ni Kid nang saktong pagharap ko'y pinigalan ako ng kapatid ko.

"Driz?! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko rito dahil nagtataka ako kung bakit narito sya.

"Ate don't run, let him talk and listen to him he's telling the truth" hawak nito ang kanang kamay ko.

Lumingon ako sa lugar kung saan nakaupo si Kid at nagulat ako nang makita si Tantan na nasa likod nito kaya naman lumakad ako pabalik.

"May alam ka ba dito Tantan?" nakakunot ang noo ko sa pagtatanong ako.

"Oo Ava"

"At hindi ka manlang nagsabi sakin?" tanong ko rito "Ikaw Driz? May alam ka ba dito?" walang sumasagot sa akin pero naniniwala akong 'silence means yes'.

"Tama na to, naglolokohan nalang tayo dito huwag nyong sayangin ang oras ko Driz umuwi na tayo" aktong lalakad na ako nang magsalita si Tantan.

"Ava listen to me" sabi nito na lumalakad pabalik saakin.

"Ok" mahikli kong sagot.

"Naalala mo yung sa ospital? Sabi ko sayo may kailangan kang malaman" inisip ko ng inisip yung mga nangyari sa ospital at biglang bumalik lahat sa ala ala ko ang mga nangyari.

*Flashback*

"Ava pwede ba tayong mag- usap na dalawa?" tanong sa akin ni Tantan sa kalagitnaan nang aking pagtatanong sakanya.

"Ah hehe sige Tantan, no problem mukhang seryosong seryoso ka ngayon? Ano may problema ba?" agad akong pumayag dahil mukang seryosong bagay ang sasabihin niya.

Kinausap pa nito ang mga kaibigan ko at...

"El, Hailie can you give us atleast 5 minutes to talk?" tanong nito kay El at Hailie.

"Sure Tantan" mabilis na wika naman ni Hailie at agad nitong hinila paalis ng kama ko si El.

"Tantan, anong paguusapan natin? Why it seems to be this private? Is there something wrong?" sunod sunod na tanong ko sakanya.

Parang aligaga si Tantan..

"Ava, si Kid kasi--- hindi natapos nito ang dapat niyang sasabihin nang biglang dumating si Kid.

*End of the flashback*

"Naalala ko na, matagal mo na alam pero wala kang pagkakataon para magsalita, ni wala kang ginawa para malaman ko" mahinahon pero sarkastiko kong sabi rito.

"Dahil kaibigan ko kayong dalawa at ayokong maki alam sa problema ninyong dalawa" buong hinahon na pag sagot nito.

"Ikaw Driz anong alam mo?" tanong ko sa kapatid ko.

"Lahat ate" nakita ko pang nagulat sila Tantan at Kid.

"Paano mong nalaman?" tanong ko rito.

"Aksidente kong narinig ang lahat nang magtalo si Kid at Jeyhan sa gitna ng daan kung saan naroon ako, at totoo ang sinasabi nya na ikaw na ang mahal nya dahil pinlano nya na talagang malaman at nag iingat lang sya na hindi ka masaktan at magkasakit dahil alam nya ang kalagayan mo" nagpatuloy sa pagsasalaysay ang kapatid ko ngunit walang puwang sa puso ko ang maawa kay Kid.

"Kid, umuwi ka na. Uuwi na din kami ni Driz. Hayaan mo nalang ang nangyari dahil nangyari na" lumapit ako rito upang sabihin ang lahat ng ito.

Hindi ko magawang magalit sakanya at hindi ko magawang dampian manlang nang malulupit kong palad ang pisnge nya. Hindi ko kayang saktan ang taong minamahal ko.

"Pero Ava, liligawan kita ulit. Mamahalin mo ako ulit dahil gagawin ko ang lahat para bumalik ka kasi mahal talaga kita Ava" hinawakan ako nito sa kamay ngunit binawi ko rin kaagad dahil ayokong maramdaman nya na ayos lamang saakin ang lahat ng ginawa nya saakin.

"Tama na Kid mas lalo mo lang ako sinasaktan, napapagod na ang puso ko basta simula ngayong gabi... TAPOS NA TAYO AT KALIMUTAN MO NA ANG LAHAT NANG NANGYARI SA ATIN" binigyang diin ko ang lahat nang sinabi ko rito.

"Ava"

"Sapat nang minahal kita ng minsan Kid, Sapat nang naging tanga ako para sayo sana lang ay nakuha mo ang gusto mo." Lumakad na ako palayo sa lugar at kasunod ang kapatid ko. Dinali ako nito kung saan naroon ang kotse nya na katabi lang pala mismo ng kotse na sinakyan ko kanina.

"Tara na" maikling pag- aaya ko rito, hindi ko na hinintay pa na pagbuksan ako nito ng pintuan gaya nang nakasanayan niya.

Saktong pagpasok ng kapatid ko ay nakita kong tumatakbo si Kid at kumakatok na sa aking bintana, lumuluha ito. Wala akong maramdamang awa ngunit wala ring galit.

Nang hindi ko na matiis ang nakikita kong muli kong ibinaba ang salamin ng bintana ng kotse at kinausap ito.

"Kid ano ba?! Tama na, simula sa oras na makarating ka sa bahay nyo isa nalang akong alaala sayo---

"Kung ganon wala akong balak umuwi, hindi ko na gugustuhing umuwi pa!" pasigaw na sabi nito.

"Kid tama na? pagod na ako. AYOKO NA"

"Pwes ako gusto ko pa" mahinahon na sagot nito saakin.

"Hindi lahat ng gusto natin makukuha natin, at hindi lahat ng gusto natin ay para satin."

"Edi ipipilit ko Ava, gagawin ko ang lahat"

"Tama na. Please lang. Ayoko na rito, ayoko na sa ganito at ayoko na sa iyo"

"Ava"

Hindi na ako sumagot pa at sumakay nalang muli sa aming sasakyan.

Mahirap man ay kailangan kong maging matibay para sa sarili ko hindi ko alam kung sa mga oras na ito ay nadudurog ko siya pero kung 'oo' ay sana naiintindihan niya ako dahil ako yung nasaktan at ginago.

Ganito ba talaga ang pag-ibig? Minsan ka na lang magmamahal ganito pa ka sakit? Ginawa ko naman ako lahat saan ako nagkulang?

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kid's POV

"Tantan pinagsisisihan ko naman bakit ganon parang hindi s'ya naniniwala sa akin?!" umiiyak kong tanong dito habang nakasandal ako sa aking kotse.

"Tol, mahirap para sa mga babae ang mag tiwala kaya hindi ko masisisi si Ava kung ganon na lamang ang mga binitawan nyang salita" pagpapaliwanag nito sa akin na batid ko naman noon pa man.

"Pare salamat ah, tatanggapin ko nalang siguro. Ang mahalaga ay nasabi ko kung ano ang totoo"

"Paghirapan mo ulit si Ava, Kid" suhestiyon nito.

"Sa paanong paraan?"

"Sa Grand Ball, surprise her!"

"Do you she would like it?"

"She probably will, hindi bato ang babaeng iniibig ko tol"

"Pero niloko ko sya, hindi na ako umaasa na may pag-asa pa kami."

"Mahal mo ba kasi talaga si Ava?" tanong nito.

"Oo pare"

"Kung ganon, gawin mo ang lahat para sa kanya" nakangati ito sa kanyang binanggit.

"Baka nga hindi nya ako tanggapin?"

"Hindi ka masamang tao, hindi ka kriminal, ginawa mo lang nararapat kaso nagkamali ka" seryosong sabi nito.

Nagkamali ka...

Nagkamali ka......

Nagkamali ka.......


Strong Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon