CHAPTER 8

20 8 0
                                        


Kid's POV

Friday ngayon, ngayong araw lamang ako nakabalik sa school. Miyerkules ng gabi nang makalabas ako sa ospital at sa tatlong araw na nakaratay ako sa ospital ay si Ava ang kasama ko, paminsan minsan ay dumadalaw sila Gabo, Renz at Tantan paminsan minsan ay sumasama rin sina Xy, Mavy at Gelo. Nag- aaral kami ni Ava sa ospital habang nagpapagaling ako kaya naman lahat ng dapat gawin ay nagagawa namin kaya sa bawat pagdalaw ng mga kaibigan ko'y nakukuha nila ang papel namin ni Ava at naipapasa nila ito sa mga subjects na hindi namin napapasukan.

Sa loob ng tatlong araw naming pananatili sa ospital ay talaga namang nakilala ko na si Ava ng sobra, napakabuti nyang tao at napaka husay mag- isip. May isang gabi nga na tumawag sakanya ang Dean ng Department namin humihingi ito ng balita sa mga ipinapagawa nila kay Ava, sobra akong nabilib na wala ni isang tanong ng Dean ang hindi nito nasagot at ngayon ay nai propose nya na ang plano na hinihintay sakanya at laking gulat ko na wala ni isa sa mga ito ang nai- drop ng Dean at ng mga Teachers.

Bago ako umuwi nung Miyerkules ay kinausap ko si Ava kahit alam ko na hinihintay na ako ng Mommy at mga kapatid ko sa sasakyan sa parking.

*Flashback*

Naglalakad kami pababa ni Ava, dala dala nya ang ilan sa aking mga gamit at dala ko naman ang iba. Nauuna sa paglakad si Ava, tuwing may pintuan na lalabasan ay ipinagbubukas ako nito, siya rin ang nag sulat ng pangalan ko sa Exit Log ng lobby. Palabas ng pintuan ng ospital ay kinausap muna nito ang gwardiya at nakita ko pang ngumingiti ito ng sobra sakanya, tunay ngang malambot ang puso ni Ava dahil kahit sinong makausap nito'y nagiging masiyahin ang araw.

Naglalakad na kami papunta sa kotse at gaya kanina ay nauuna parin ito sa pag lakad kaya naman hinila ko ang kamay nito dahilan upang mapahinto ito at kumunot ang noo, suot nanaman nito ang eyeglass nyang isinusuot nya lang kapag stress sya.

"Oh bakit?!" medyo pasigaw na sabi nito dahil sa gulat ng pagkakahila ko sa kamay nya.

Lumapit ako sakanya, magkaharap kami ngayon dito sa medyo madilim na lugar ng parking lot, kitang kita sa mukha nito kung paano nito aninagin ang aking mukha na hinahantay nyang magsalita.

"Ava, thank you so much for being with me habang nagpapagaling ako." Mahina kong sabi rito, alam kong hindi ko dapat sya kinakausap ng ganito dahil malaki ang tyansa na mahulog lalo ang loob nito saakin ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong magpasalamat at mamangha sakanya.

"Wala yun, ano ka ba? Hindi naman mahirap na trabaho ang ginawa ko" sambit nito saka hinawakan nito ang aking pisnge saka ngumiti.

Ba't parang nakaka kilig?

Wag kayo magpadala, manloloko yan si Kid. – AUTHOR.

"Ava, may tanong ako sayo." kinuha ko ang kamay nito sa aking pisnge at hinawakan ito.

"Ano yon?" tanong naman nito pabalik.

"Alam mong bawal sa iyo ang mapagod at malungkot diba? E bakit nagtatakbo ka daw para mapuntahan ako sa gitna ng crossing?" tanong ko rito na may halong hiya.

"Ayaw kasi kitang umitim don, kapag nabilad ka ng mas matagal masusunog ang balat mo." Pabirong sagot naman nito na tumatawa tawa pa.

"Hayyy, ito nalang. Bakit kahit sobra mong daming dapat gawin ay mas pinili mong samahan ako ng tatlong araw kesa pumasok sa school at gawin nalang ang dapat?" seryosong tanong ko.

Strong Beautiful SoulMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon