CHAPTER 10

9 7 0
                                    

Ava's POV

Lunes na naman, ngayon ang unang araw ng dalawang araw na Finals, 8AM ang simula nito pero 7AM palang ay nandito na ako sa school para makapag review review pa sa Library. Kailangan kong maipasa ang lahat ng exam para magkaroon ako ng magandang puwesto sa darating na Graduation tsaka para na rin maka- graduate.

Iniwan ko ang bag sa labas ng Library kinuha ko lamang ang pera, cellphone at mga reviewer ko tapos dumeretso na ako sa loob pero huminto muna ako sa entrada ng library upang i- scan ang aking ID at ng mabasa na ito ng scanner ay tumuloy na ako sa paglalakad patungo sa gawing dulo ng Library sa tinatawag nilang Silent Room, dito nag pupunta ang mga loner upang mag basa ng book kung gusto nila ng katahimikan. Hindi ako loner pero gusto ko muna lamang mapag isa dahil nga mag rereview ako habang wala pa yung mga kaibigan ko.

Pag pasok ay laking tuwa ko dahil wala ni isang tao ang naroon kaya naman agad kong kinuha ang module ko at umupo sa silyang nakatapat sa hangin ng wall fan. Una ko ng babasahin ang modules ko na may kinalaman sa agham dahil isa ito sa pinaka maraming patungkol.

Hindi lingid sa kaalaman ko na mabilis lamang ang isang oras kaya naman sobrang focus talaga ako at pinatay ko muna ang phone ko.

Basa....

Basa...

Basa..

Basaaaa....

Natigilan ako sa pagbabasa nung marinig ko na tumunog ang orasan ng library, ito ay hudyat na natapos na ang isang oras kaya naman nakakasiguro akong alas- otso na kaya naman dali dali kong isininop ang mga gamit ko at lakad takbo na lumabas ng Library. Nakipag unahan ako bumaba sa hagdan at ng makarating sa ibaba ay lakad takbo ang ginawa ko para marating ang new building kung saan naroon ang aming silid, ito ay nasa ika- apat na palapag kaya naman sa hagdan ay mabilis na paghakbang ang ginagawa ko upang makarating na agad sa classroom namin.

Ilang sandali pa ng pag akyat at pag takbo ay narating ko na ang ika- apat na palapag, tinungo ko kaagad ang aming silid at laking gulat ko na nagsisimula na ang mga ito.

"Good morning Ma'am, I'm sorry for being late." Nakayuko kong bati rito sa harap ng aming klase.

Nakupoooo terror pa naman ito..

Ba't ba ito ang nagbabantay sa amin?

Charr..

"Give her one chair and one table outside boys!" utos nito sa mga kaklase kong lalaki na ikinagulat ko at ikinagulat din ng mga kaibigan ko, halos ng lahat.

"Ma'am?" naguguluhang tanong ko rito.

"Bakit? Tatapusin mo ang finals sa labas ng silid na ito, hindi ka maaaring maupo sa loob bilang parusa sa iyong pagka late" mataray na sabi nito. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag ngisi ni Jeyhan, batid kong natutuwa ito dahil hindi ako sa loob mag eexam.

"Parusa Miss? Are you sure? If yes.." pag sagot ko rito, naririnig ko ang pag saway sa akin ng mga kaibigan ko.

"If yes.. what?" parang naiinsultong tanong nito saakin.

"I don't regret being late." nginitian ko ito ng nakakaloko saka ako lumabas ng silid at umupo sa ibinigay niya saaking upuan.

"Oh my God!! You're so annoying student!" napipikon na salita nito, batid kong mapipikon na ito saakin pero anong paki alam ko?!

"Thanks Ma'am, kayo din po annoying pero hindi ko po ipinag sabi." Mahinang bulong ko ng makaupo na ako sa aking silya, alam kong maya maya lamang ay iinit na sa aking pwesto kaya naman iniusog ko ito malapit sa pintuan kung nasaan ang gurong tiga- bantay.

Strong Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon