Ava's POV
Tatlong taon na ang lumipas mula noong grumaduate kami ng Senior High School, 3rd year college na ako at kahit pumasa ako sa mga prestihiyosong paaralan sa Maynila ay mas pinili ko pa ring mag-aral at manatili rito sa Univeristy of Cabanatuan. Hindi ko kasi batid kung kakayanin ko bang mawalay sa baying ito ni hindi nga ako marunong sumakay ng tricycle e. Kumukuha pala ako ng kursong BS in Pharmacy ito ang nais kong maging Pre- medical course ko. Alam kong hinahanap nyo na ngayon si Kid, nasa Baguio sya at nag-aaral ng BS in Aviation Major in Flying kasalukuyan siyang nasa huling taon ng kanyang pag- aaral sa kursong ito dahil tatlong taon lamang ito at papasok na sya sa isang taon sa kurso ng Commercial Pilot License Course for Airplane Multi-Engine Land. Tuwing araw ng sabado ay umuuwi sya rito sa Nueva Ecija at mula roon ay nagkikita kami. Hindi lagi at hindi rin madalang kung magkita kami at naiintindihan ko iyon. Ang mga kaibigan ko naman ay nasa Maynila at ang iba ay nasa Baguio rin. Ako lamang ang naiwan dito sa UC. Hindi tulad noong Senior High School hindi na ako aktibo sa mga Leadership Organizations ngayon dahil nais kong maging focus sa kursong kinukuha ko dahil ito ang aking pangarap.
Biyernes ngayon at bukas ay magkikita kami ni Kid. Pupunta raw kami sa California at doon muna kami sa loob ng apat na araw. Nakapag paalam na ako kaya naman hindi ko na kailangan pang mangamba. Maaga akong umuwi at nagpahinga. Wala pa ang mga kapatid ko marahil ay nasa school pa. Silang tatlo ay nasa ikalawang taon na sa kolehiyo sa Cabanatuan State University, isang sikat na paaralan din dito sa amin. Si Driz ay kumukuha ng kursong BS in Civil Engineering, si Aldy ay BS in Architecture at si Al naman ay BS in Accountancy.
Naging malungkot ako dahil sa nangyaring ako lamang ang naiwan dito at ang lahat ay nasa malayo. Masaya ako sa mga naabot ko bilang Pharmacy Student, marami akong natututunan at bagong nakasasanayan.
Habang nanood ng TV ay nakita kong tumatawag ang mga kaibigan ko sa Video Call kaya naman agad akong sumagot sa mga ito.
"Hiiiii kamusta na kayo?" ito agad ang simula ko ng makasagot na ako sa tawag.
"Ito medyo stress sa kursong kinuha ko wala pang bata na tuturuan at practicum palang e para na akong masisiraan ng ulo paano pa kung may mga bata na sa harapan ko, nakakainis!" tinawanan naman namin si Dane dahil sa sinabi nito, kumukuha pala sya ng Bachelor in Secondary Education sa UP Diliman.
"Wag ka nang mastress Dane ako nga pagod na pagod sa training e" sabi naman ni Wine na kumuha ng BS in Criminology sa PMA.
"Alam ninyo ba kaya ko nang gumawa ng droga HAHAHA" biro ko naman sa mga ito.
"Huhulihin na kita hahahaha drug dealer ka na pala e!" sabi naman ni Andrea na kumukuha rin ng pagkapulisya sa PMA.
"Gaga gumagawa pa lang daw tuturuan na talaga kitang mabuti Andrea" sabi naman ni El na nais maging guro at pumapasok ngayon sa DLSU kasama si Jong na magiging Teacher din sa sa mga susunod na taon.
"Bakit pala kayo napatawag?" tanong ko sa mga ito.
"E kasi wala namang pasok bukas at alam naming magkikita kayo ni Kid bukas kaya ngayon lang ang free time mo" wika ni Hailie na kumukuha ng BS in Psychology sa Letran.
"Hindi naman, babalik din naman kami agad ni Kid mga 4 days lang kami roon, tutal tapos naman na ang finals nila at ganoon din ako" sabi ko rito.
"Saan ba lakad nyo bukas?" tanong ni Jong.
"California daw, he wants to spent his 21st daw with me e" maikli kong sagot rito.
"Grabe kung makapag salita ka dyan ay parang sa Maynila lang kayo pupunta ah" biro naman ni Hailie.
"Kung ako yan girl aligaga na ako" sabi naman ni El.

BINABASA MO ANG
Strong Beautiful Soul
Fiction généraleAre you strong enough to take a new responsibilities? "Look at this ring, this is one of my life, not because on how it looks but because of its value, do you still remember the necklace you gave me when we're in college, this is your first gift to...