Ava's POV
Para akong sinaksak sa mga narinig ko, pagkatapos ng lahat ako pa raw ang nakipag break, sa totoo lang sya ang hindi nagparamdam. Paano ako ngayon? Paano ko sasabihin sa pamilya ko ang lahat?
"Alam nyo bumalik na tayo sa Cabanatuan, kailangan ni Ava ito masabi ka agad sa mommy nya at mga kapatid nya. Mali nang hindi sila ang naunang naka alam kaya mas mali na magtagal pa tayo rito at hindi nila nalalaman" suhestiyon ni Leigh na kaagad na inaayos ang mga gamit namin pero pinigilan ko ito.
"Wag na, rito na muna kayo enjoy-in nyo ang Baguio ako na ang bahala umuwi mag-isa" agad akong tumayo at iginayak ang sarili ko.
"Saan ka sasakay?" tanong ni Andrei.
"Kaya ko mag bus" maikling sagot ko rito dahil ayokong mag-alala ito sa akin.
"Ava hindi, uuwi na tayo. Hindi rin namin masisikmura na mag enjoy dito at ikaw na roon sa atin at nag aayos ng problema." Sagot ni Leigh.
Kaya gaya ng sabi nya ay umuwi na kami.
Sa daan ay halos walang imikan ang lahat. Walang tigil ang pagluha ko. Hindi ko alam kung paano titigil at kung saan magsisimula. Gaya ng papunta ay dalawang oras muli ang aming itinakbo bago makarating sa Cabanatuan. Ibinaba nila ako sa aking tinutuluyan kung saan naroon din ang aking mga kapatid kaya naman bago ako bumaba ay sinalubong na ako ni Driz.
"Oh ate? Ang bilis nyo akala ko mag tatagal kayo roon" sabi nito sa akin ng alalayan ako nito sa aking pagbaba.
"Samahan nyo ang ate ninyo sa mansyon, may kailangaan kayong malaman" halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko ng sabihin iyon ni Leigh.
"Salamat Leigh, ako na ang bahala" kumaway ako sa mga ito at kitang kita ko sa mga ito na nalulungkot sila para sa akin.
"Tara na Driz" pag aaya ko sa mga kapatid ko at pagkapasok pa lamang sa aking silid ay inayos na namin ang dala kong bag at sumakay na ako sa sasakyan ko kasama ang mga kapatid ko.
Sa daan ay nagtanong si Driz,
"Ate anong meron?" nakakunot ang noo nito.
"Driz, mamaya na lang para minsanang sakit ha?" sagot ko rito habang nagmamaneho pa rin.
Parang nagulat ito sa narinig na 'minsanang sakit'.
"Ano bang nangyari? Nadapa ka ba?" tanong nito.
"Sana nga ay ganoon lang" gusto ko nang sumabog, gusto ko nang sumigaw, gusto ko nang umiyak pero kailangan kong maging matibay para sa akin at para sa batang dinadala ko.
"Hala umatake ba yung sakit mo?" nagaalalang tanong ni Aldy.
"MAMAYA NA OKAY?!" nagulat ang mga ito sa naging ekspresyon ko.
Tumahimik ang lahat, walang ni isang imik na maririnig sa loob ng aking sasakyan. Ang lahat ay nakatutok sa daan.
Alam kong palapit na kami ng palapit sa bahay kaya ganoon na lamang ang kaba ko, hindi ko na napigilang umiyak hindi ko na inintindi kung marinig o makita ito ng mga kapatid ko dahil hindi ko na talaga kaya. Hindi ko na alam kung kanino ako kakapit alam kong malaki ang posibilidad na palayasin ako ng Mommy at kalimutan nila ako.
Hindi ko maintindihan, bakit naging ganito? Anong maling nagawa ko? Kailan pa ba ako nagkulang sa kanya? Kahit malayo sya hindi ko sya pinag isipan ng kahit ano dahil mahal ko sya.
Pero bakit ganon?
Nagmahal,
Nagparaya,
![](https://img.wattpad.com/cover/236488498-288-k734275.jpg)
BINABASA MO ANG
Strong Beautiful Soul
General FictionAre you strong enough to take a new responsibilities? "Look at this ring, this is one of my life, not because on how it looks but because of its value, do you still remember the necklace you gave me when we're in college, this is your first gift to...