CHAPTER 7
Tantan's POV
Lumabas ako ng kwartong kinaroroonan namin ni Kid kanina, hindi ko makayanan lahat ng nalalaman ko. Bestfriend ko si Kid at matalik kong kaibigan si Ava, hindi ko maintindihan si Kid sa mga desisyon at gingawa nya ngayon. Parang sasabog ang ulo ko sa lahat ng nalaman ko. Nagdaramdam ako kay Kid dahil hindi ko inakalang kakayanin nyang maging isang masamang lalaki para sa babaeng minamahal nya.
Lumakad ako papuntang silid ni Ava, kailangan itong malaman ni Ava. Kailangan itong malaman ng babaeng pinag lalaruan ng kaibigan ko.
Tamang tama pala ang pagdating ko dahil gising na si Ava at mukhang bumalik nadin sa dati ang kulay nya. Nag bitaw ako ng isang malalim na paghinga dahil bumubwelo ako para sa bagay na ibabalita ko sa aking kaibigan. Mahirap ito saakin pero kailangan. Para ito sa kaligtasan ni Ava.
Bago pa ako tuluyang makapasok sa kwarto ni Ava ay may lalaking biglang nag salita sa likod ko, si Mavy pala.
"Oh, Tantan!" tawag saakin nito.
"Pare." Humalukipkip ako at humarap sakanya.
"Ba't ka nandito?" nagugulat nitong tanong dahil alam nyang ako lang ang kasama ni Kid sa kwarto nito.
"Bibisitahin ko lang si Ava" sabi ko rito.
"Gising naba si Kid?" tnongg nitong muli saakin.
Tumango lang naman ako rito na sa tingin ko'y naiintindihan nitong 'oo' ang aking sagot.
"Kung ganon tara na at pumasok na tayo, papuntahin nalang nating si Renz kay Kid" suhestiyon nito.
Agad ko namang binuksan ang pintuan at tumungo na nga kami sa loob ng kwarto na kinaroroonan ni Ava.
Gising na gising na si Ava, kitang kita ko nanaman yung masaya nyang muka na pinaglalaruan at tinatarantado lang pala ng kaibigan ko.
"Tantan!" agad akong napansin nito at tinawag upang lumapit sakanya. Nginitian ko naman sya dahil talagang natutuwa akong makita na gising na sya at ayos na ayos na sya.
"Pasensya kana Ava ngayong lang ako nakadalaw sayo kasi---
"Kamusta na si Kid?" hindi ako pinatapos nito sa aking sasabihin at agad na itinanong nito kung kamusta na ang kanyang nobyo nyang lapastangan.
"Ah Ava ano kase---
"Gising naba sya?" tanong muli nito na pinutol muli ang pananalita.
Halos matawa si Hailie at El sa inaasal nya.
"Gising na sya Ava siguro 30 minutes palang ang nakakalipas." Sagot ko naman dito.
"May masakit daw ba sak—
"Ava pwede ba tayong mag- usap na dalawa?" pinutol ko na ang kanyang balak tanungin dahil pakiramdam ko'y nauubusan ako ng panahon.
"Ah hehe sige Tantan, no problem mukhang seryosong seryoso ka ngayon? Ano may problema ba?" pagpayag naman nito sa aking hiling na makausap sya at patataka na rin marahil sa ekspresyon at gawi ko ng pananalita.
Magsasalita na sana ako ng maisip kong ilihim muna saaming dalawa ang lahat.
"El, Hailie can you give us atleast 5 minutes to talk?" tanong ko naman kay El at Hailie.
"Sure Tantan" mabilis na wika naman ni Hailie at agad nitong hinila paalis ng kama ni Ava si El.
"Tantan, anong paguusapan natin? Why it seems to be this private? Is there something wrong?" sunod sunod na tanong ni Ava saakin.

BINABASA MO ANG
Strong Beautiful Soul
Fiksi UmumAre you strong enough to take a new responsibilities? "Look at this ring, this is one of my life, not because on how it looks but because of its value, do you still remember the necklace you gave me when we're in college, this is your first gift to...