Kid's POV
Lahat ng tanong nasasagot,
Lahat ng sikreto nabubunyag ,
Lahat ng dapat maisiwalat ay sisiwalat.
Ngayon ang araw kung kailan nabawian ng buhay ang babaeng ilang taon nagbigay sa aking iba't ibang klase ng sakit at kasiyahan.
Ngayong araw ay nagsalita ang aking anak, si Khaleed at iwiniwika ang lahat ng kaniyang nakita ng buong katotohanan.
"Hapon noon at nasa gate lang po ako ng bahay, sinundo ako ng babaeng iyan" itinuro niya si Jeyhan, "Ang sabi niya, dadalhin niya ako sa Mommy ko at Daddy ko at laking gulat ko na dalhin n'ya ako sa isang madilim na lugar kung saan nila pinatay si Mommy" umiyak ang anak ko, "Nakita kong dumating si Mommy, tinanong s'ya ng babaeng iyan ng "Nagulat ka ba?" agad akong lumabas sa haliging pinagtataguan ko at nakita ako ni Mommy kaya pumasok ito at ng lalapitan na niya ako bigla s'yang binaril ng babaeng iyan ng dalawang beses sa kanyang hita na hindi agad mapapansin, nakita ko kung paano n'ya hilahin ang buhok ni Mommy at nakita ko kung paano n'ya saktan ang Mommy ko, ng makita n'yang may sasakyang parating bigla siyang umupo sa sahig at umaktomg siya ang sinasaktan, kahit maliit na bata lang ako may mata po ako, pumasok po sina Tito at si Lola roon, kaya po nila tinutukan ng baril si Mommy, dahil nakita po nilang hawak ni mommy ang baril n a ipinangbaril ng babae na iyan sa kanya, at biglang dumating si Daddy, gumulo ang paligid ang buong akala ni Lola ay nananakit si Mommy kaya nakita kong tinutukan n'ya ng baril si daddy sa batok para mapasunod si Mommy na tigilan ang ginagawa pero hindi n'ya iyon maibaba dahil alam n'yang may hawak pa ring baril ang lalaking nagtatago sa dilim na nagbanta sa kanya na papatayin ako oras na ibaba ang baril bago pa pumasok sina Lola, galit na galit na si Daddy kay Mommy kaya naman ng ibaba na ito ni mommy, nakita kong kinurot ng babaeng iyan ang batang lumapit sa kanya para sumigaw ito sa sakit at matrigger ang lahat kaya naman ng natrigger si Daddy, binaril n'ya si Mommy na nakitang dumaplis sa tiyan nito at si Lola, ang mga bala ng baril n'ya hindi tumama sa kung kanino man, dahil ang bala ng baril n'ya ay tumatama lamang sa pader, and tunay na nagpadami ng bala sa katawan ni Mommy ay ang lalaking kasama ng babaeng iyan doon sa bahay na yon. Walang ibang nakapatay kay Mommy kundi ang lalaking nagtatago sa dilim dahil ang bala ng kay daddy ay sa braso lamang tumama at hindi makapapatay." Buong pagpapaliwang ng aking anak, agad hinanap ng pulis ang di makilalang lalaki na tinutukoy ng anak ko at mismong si Jeyhan ang nagturo kung sino iyon siguro'y dulot na rin ng takot at kahihiyan.
Ilang araw pa ang lumipas at nailibing na si Ava, nakulong na rin ang lalaking nakapatay kay Ava na s'ya palang totoong ama ni Aira, nalaman ko ang katotohanan ng lahat dahil itinuro sa akin ni Ava sa kanyang sulat para sa akin ang katotohanan, hindi itinanggi ni Jeyhan ang paratang ko sa kanya tungkol kay Aira at nalaman ko kaagad ang mga naganap.
Sa kasalukuyan, nakakulong si Jeyhan at ang lalaking tatay ni Aira at si Aira naman ay nasa mga pamilya ni Ava.
Masaki tang mga pangyayari para sa akin pero tinanggap koi yon ng buong puso at laking tuwa ko na naging isang mabuting lola na si Madam Victoria kay Khaleed at maski ako ay pinatuloy na nito sa bahay nila upang makasama ko rin daw si Khaleed sa araw-araw.
Ipinagpatuloy ko ang pagiging piloto at sa bawat lipad ko isa lang ang dasal ko, yun ay ang sana makauwi ako at makabalik ako sa anak ko para magawa ko pa ang dapat dahil isa akong ama.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa buhay hindi sapat na maganda ka lang, hindi rin sapat na matibay ka lang, hindi rin sapat na matalino ka lang dahil dapat ang lahat ng bagay may pag-ibig. Iyong totoo, pangmatagalan, may tiwala at paniniwala, dahil kung hindi lahat ng buhay mauuwi sa PAALAM.
BINABASA MO ANG
Strong Beautiful Soul
Fiction généraleAre you strong enough to take a new responsibilities? "Look at this ring, this is one of my life, not because on how it looks but because of its value, do you still remember the necklace you gave me when we're in college, this is your first gift to...