Ava's POV
Naglalakad na ako ngayon patungo sa ikatlong kwarto ng silid na ito kung saan naroon ang opisina ng Dekano, hindi ko malaman kung bakit parang bumabagal ang oras at nakakaramdam ako ng takot sa mga oras na ito. Alam kong wala akong ginawang kasalanan ano't bigla akong ipinatawag rito at nagdudulot ito ng kaba at takot saakin.
"Why are you just standing there?" nagulat pa ako sa Ginang ng magsalita ito, kanina pa pala ako narito sa harapan nya ngunit di ko nalalaman marahil dulot ng kaba at takot "Is there any problem?" tanong nito saakin sa nag aalalang tono "I'm waiting for you to go in for a seconds now but you're just looking into my office and don't even bother to greet me." inakay na ako nito papasok sakanyang opisina, takang taka ang mukha nito ng makitang namumutla na ako. "what's wrong with you President Avrielle Sandoval?" tanong nito ng hindi na nito malaman ang aking iniisip at hindi rin ako sumasagot sa tanong niya.
Sa pag aalala ng Ginang ay tumungo ito sa Water Dispenser nya at ikinuha ako ng isang baso ng maligamgam na tubig at sabay iniabot nito ito saakin na s'yang nagpabalik sa huwisyo ko.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo Ava?" paninigurado nito saakin at kinuha na ang baso ng tubig na pinag inuman ko at ibinalik ito sa dispenser upang itabi.
"Sorry po Dean" yun lamang ang naisagot ko rito dahil narin sa kahihiyang sinapit ko sa harap ng aming babaeng dekano.
"Ano bang iniisip mo na bata ka?" tanong nanaman nito saakin.
"Actually Dean nung oras na tumawag po saakin ang sekretarya nyo po siguro iyon, ay kinabahan na po talaga ako, ang buong akala ko po ay magagalit kayo saakin at sa hindi ko po malaman na dahilan ay takot na takot akong makita kayo Dean." malungkot na salaysay ko rito ng aking iniisip, nakakahiya man ay sinabi ko na upang hindi ito mag isip ng kung ano pa sa akin.
"No actually, I asked Ms. Adina to call you here in my office because I am really giving you an award" nakangiting sabi nito saakin.
"Award po Dean? Para saan po?" nagtataka ngunit masaya kong tanong dahil sa hindi ko inaasahang pag kakataon ay makakatanggap ako ng isang pagkilala.
"Your proposal about the upcoming event that students are looking for each year" nakangiting pananalita nito.
"The Grand Ball" sinabi ko ito ng wala sa sarili.
"Yes! And I know this is one of the nost challenging project for all the Presidents like you" nakangiti parin habang nakatukod ang siko sa lamesa niyang gawa sa kahoy na napipinturahan ng kulay brown na barnis.
"Sobra pong hirap na desisyon ang pagpili sa mga maaaring tao na maging parte nito"
"Yun nga at unang beses lamang mapili ang proposal ng Senio High School simula nang magkaroon ng Grand Ball dito sa UC."
"Po?! Ibig ninyo po bang sabihin ay napili ang ginawa kong plano?" nakangiti at napatayo pa ako ng marinig ko ang salaysaying iyon ng Ginang.
"Uh-huh, ang proposal mo ang napili at Senior High School Department ang mamamahala sa darating na Grand Ball"
"Amazing Dean, I didn't expect this po" napayuko pa ako ng magpasalamat.
"You're really great hija, your work deserves to be noticed and chosen" pumapalkpak pa ito ng bahagya ng bitawan ang mga salitang ito.
"Thank you so much po Dean"
"Anyways, dahil nga ang Senior High School Department na ang gagalaw para sa Ball madadag dagan ang trabaho mo, natin"

BINABASA MO ANG
Strong Beautiful Soul
Tiểu Thuyết ChungAre you strong enough to take a new responsibilities? "Look at this ring, this is one of my life, not because on how it looks but because of its value, do you still remember the necklace you gave me when we're in college, this is your first gift to...