CHAPTER 2

37 10 0
                                        

Ava’s POV

After the pageant tumuloy kami ng mga kaklase ko sa classroom, unang sumalubong samin ay ang doorless na classroom namin, yes ghorl wala talagang pintuan yung mga classroom dito samin and that’s normal.

Pagpasok palang sa silid ay talaga namang napaka ingay na ng mga kaklase ko, sobrang natutuwa sila dahil kami ang nanalo sa patimpalak ngayon gabi.

Bago ako maupo sa upuang bigay saakin ng kaibigan kong si Wine, naalala ko bigla yung cellphone ko.

Hailie?” tawag ko sa aking kaibigan.

“Yes? Wait lang guys.” Pagpapaalam nito sa kanyng mga kausap.

“Hail, Nakita mo ba yung cellphone ko? Ngayon ko lang kasi naalala medyo nag-aalalang tanong ko dito.

“Ay, sandali tatanungin ko lang kay El.” Umalis ito sandali at nagtungo sa kaibigan namin.

Sa sobrang pag-aalala ko sa cellphone ko hindi ko na namalayang may kumakausap na pala saakin at nag aayang mag picture.

“Ava?” kumaway kaway pa si Dane para mapansin ko sya.

“Hala sorry, ano yon?” natataranta kong sabi.

“I’m asking if we can have a picture ba?”

“Ay, oo—oo naman.” Bigla akong tumayo para magpapicture sakanya ng biglang dumating na si Hailie.

“Ava, na kay Kid daw yung cellphone mo. Kinuha daw kay El kanina nung nasa gym tayo” pagsasalaysay nito saakin.

“Hala. Nasaan daw ba si Kid?” simula ng matapos yung pageant hindi ko pa nakikita si Kid at hindi ko manlang naalala na hindi ko pa nga sya nakikita.

“Is my girlfriend looking for me?” nakakagulat man ang presensya nito’y kinilig padin ako.

“Hey. Yes, you’re just in time. I am actually looking for my phone e nasa’yo daw?”

“Yeah, wait let me get it on my car.” Umalis ito at tumungo sa kotse nya upang kuhanin ang cellphone ko.

Habang hindi pa ito bumabalik ay lumapit saakin si Hailie, inaya ako nito na lumabas at tumungo sa dulong bahagi ng building naming kung saan mararamdaman ang lamig ng simoy ng hangin.

Hailie bakit?” tanong ko sakanya pagkarating naming sa lugar na iyon.

“Actually, hmmm I really wanna to talk you.” Panimula nito na talaga namang ipinagtaka ko dahil may kakaiba sa pananalita nito na mapapakinggan mong malungkot ito.

“What is it all about?” mahinahon kong tanong rito, dahil sinusubukan kong kalmahin kung ano man ang nararamdaman nya.

“Ava, are you happy today?” nagulat ako sa tanong nito.

Ofcourse I am, Hailie why?”

“Nothing, It’s just that I can’t see you be in a relationship with Kid this early.”

“Hail..diba alam mo namang noon pa man may gusto na ako kay Kid, kaya sino ako ngayon para tumanggi sa hiling nyang yon?” buong pagsagot ko dito.

Alam kong nag-aalala saakin si Hailie pero, si Kid na’to e matagal kong pinangarap ang bagay na ito. Sino ako para tumanggi?

“Sorry for my words Ava. Iniisip ko lang, hindi ba parang napakabilis ng mga pangyayari?” nagtataka paring tanong nito saakin.

Strong Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon