CHAPTER 4

19 10 0
                                    

Sunday..

Ava's POV

Nagising na lamang ako na punong puno ng aparato sa paligid ko, para ba akong nasa isang ospital pero tinignan ko naman ang hinihigan ko, kama ko naman ito pero bakit wala akong kasama? Kadalasan kapag mangyayari ito'y narito si mommy sa tabi ko o kaya ang mga kapatid ko.

Iginala ko na lamang ang mga mata ko sa loob ng kwarto upang hanapin ang aking cellphone, nakita ko ito sa drawer ng side table ko, inabot ko ito at agad na tinungo ang messenger ko pero laking gulat ko na wala ni isang mensahe ang nagmula kay Kid. Maraming mensahe ang naghihintay sa aking presensya ngunit wala pa akong sapat na enerhiya upang sumagot sa bawat isa kaya isinantabi ko na lamang ang mga ito. Pero ang ipinagtataka ko, bakit walang mensahe ni isa si Kid?

Bakit ganon?

Hindi s'ya sweet

Ay ang boring naman pag ganon charottt...

Baka busy..

Binalak ko nalang na kumustahin sya ngunit bago pa ako maka pag tipa ay nakita ko ang frame ng pinto na biglang umilaw ibig sabihin ay may papasok at tama nga ako pumasok nga rito ang aking ina.

"Mom" mahina kong tawag rito.

"How's your feeling?" tanong nito habang papasok sa aking kwarto, agad itong dumeretso sa aking mga kalat at kinukumusta ako habang inaayos ang mga kalat sa paligid ng aking kwarto.

"I'm good mom, can I ask you something?" balak kong itanong sa aking ina kung pumunta ba dito si Kid pero ang isinagot na agad sa akin ni Mommy kahit hindi pa ako tapos mag tanong ay,

"Hindi pumunta rito ang boyfriend mo, I tried to reach him out. I ask him to go here pero hindi pala sya pumunta" tuloy tuloy na pagsasalaysay nito.

"Oh? it's ok mom, maybe he's just busy." ngumiti na lamang ako sakanya.

"Anak, I actually came here to tell you that I really want you to stop going to school, we can pay for a home schooling and---

"No mom!" sigaw ko sa pag kabigla ko.

Natahimik ang mommy at umupo sa aking tabi.

"Anak you're not as strong as you see yourself, anak you get worsen, we need to be practical this time."

"Mom, I can take care of myself at school. I'm not pagod and stressed you see? I'm here because of the morning jog, I do sprint diba? This is not because of the school. Mom please, let me be at school" pagsusumamo ko sa aking ina na sana ay ikapayag nito.

Hindi nagsalita ang aking ina, nakatingin lamang ito saakin na para bang nadidisappoint sya sa hindi ko pagpayag. Naiintindihan ko ang aking ina pero ito lang ang paraan ko para maging matatag. Kapag nanatili ako rito paniguradong manghihina ako lalo.

"I'll just go downstairs and get you foods to eat" mahinang wika ni mommy sabay tayo nito sakanyang upuan atsaka tuloy tuloy na lumabas sa kwarto ko.

Labinlimang minuto muli ang lumipas bago pumasok ang aking ina at may kasama na itong mga nurse, marahil ay tatanggalin na nila ang mga aparato na nakapaligid saakin.

Tama nga ko lumapit isa isa sa akin ang mga nurse at tinanggal isa isa ang mga naka kabit sa akin.

"Okay na po Atty. and Ms.Sandoval" wika ng isa sa mga Nurse ng maubos na ang mga kagamitang naka konekta sa katawan ko.

"Thank you" wika ko.

Lumakad na palabas ang mga ito na naging pagkakataon naman ng aking ina sa kanyang paglapit. Iniabot niya sa akin ang isang tray ng pagkain.

Strong Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon