CHAPTER 23

7 7 0
                                    

Ava's POV

Lumipas ang mga araw mula ng makilala ko si Sandra, hindi ko maiwasang maalaala ang mga kaibigan ko na walang kaalam-alam sa mga nangyari sa akin. Gusto ko man malaman nila pero natatakot ako na bumalik pa muna sa social media dahil alam kong ang aking ina ay isang mahusay na mamayan ng bansang ito at madali n'yang matutukoy ang kinaroroonan ko na pwedeng maging dahilan ng pagkawala ko ng pagkakataon upang makapag-aral at maitaguyod ang nalalapit kong kapanganakan.

Ngayon ay araw ng Linggo, araw kung saan makikilala ko ang aking magiging mga katrabaho at malalaman ang mga bagay na maaari kong matanggap mula sa trabahong ito.

Noong huling pag-uusap namin ni Sandra ay nabanggit ko ang nais ko na maghanap pa ng ibang trabaho bukod sa pagiging advertiser sa Dosenyo pero nabanggit n'ya na hindi ko na raw kakailanganin dahil sa pasuweldo ng Dosenyo na naghihintay sa akin. Napag isip ko na lamang na paghandaan ang nalalapit kong exam sa UP upang makuha ang huling taon ko sa aking kurso.

Kasalukuyan akong nasa loob ng isang silid kung saan may isang malaking lamesa at may nakalimbag na ngalan ko sa kahoy na nakapatong rito 'Avrielle Amaia C. Sandoval, JUNIOR ADVERTISING DESIGNER'. Higit pa ron ay nakita ko ang isang swivel chair at mga gadgets na may palatandaang Dosenyo Industrial. Kasalukuyan kong hinihintay ang pagdating ng aking boss upang masabi sa akin ang mga bagay na dapat kong malaman at gawin. Sa sampung minutong paghihintay ay dumating na ang isang balingkinitan, maputi at mahabang buhok na babae na sa tantsa ko ay tumitindig ng 5'5 batid kong siya ang aking boss dahil sa nakasuot nitong ID 'Mirenalla Dela Cruz Puego' siya ay nakasuot ng corporate attire at nakasuot ng heels na sa sukat ko'y 3 inches ang taas.

"Ava, nice to meet you!" bati nito sa akin agad.

"Good morning, Ma'am" bati ko naman sa aking boss.

"Sa tingin ko alam mo naman na ang trabaho mo dahil nabanggit sa akin ni Sandy na bagong tenant ka n'ya, sure nabanggit nya na sayo ang ating tatrabahuhin" pag-uumpisa nito.

"Yes Miss, nasabi na po n'ya sa akin ang tungkol sa sinalihan po ng kumpanya na isang designing contest? Tama ho ba?" paglilinaw ko naman.

"Iyon nga, Dosenyo is really in need of a great designer a week ago. Thank God that we found one, actually this competition is not just once, it is monthly and this month we are in Top 3, but the past months we're always on the 2nd spot, so I think we need to upgrade so we can finally hit the top 1 against Citrus Industrial" mahabang salaysay nito.

"Miss, last night I browse the site of our competitors especially Citrus and I've there conclude that it is not just the design we are talking about although it is the one who's being score"

"What do you mean?" nagtatakang tanong nito.

"We have this thing called target market, which is the crowd, the voters, I found out that Citrus knows their voters, we also have to know our audiences Miss. Definitely, by the way the voting is done online, 15 to 40 years old ang voters or audience natin, sila ang magdedecide so we need to spice up the contest ma'am we need to upgrade not just the design but also the content" suhestiyon ko.

"Pero wala naman yon sa criteria for judging all the time?"

"Again, Miss always look on the audiences, they are our target, the voters doesn't just focus on the colors, layout, slides and tunes, they also read our advertisement as well as our strategical approaches"

"How can you say so?" nagtataka na talagang tanong ni Miss.

"I observed the post of Citrus while voting season, they offer lots of prizes that I am sure is tricky on their competitors because with that they got much engagement online and offline so in the end they got the highest claimed number of voters, if we're going to do the same thing mahahati ang vote sa citrus at maaring ang ¼ ng kanilang voters ay dumagdag sa voters ng Dosenyo leading our company into the highest spot. What do you think, Miss?" pagpapaliwanag ko pa rito ng higit.

"Bravo!" iyon ang unang lumabas sa kanyang bibig. "Hindi ko naisip iyan once in my time, paano yan?"

"Well Miss, I've learn that a competitor is always a competitor, we can't just win by purely doing the best, it is also by looking for the latest best and do more than they can do"

"Amazing, well I think I will leave you now and you'll start the design while I, will be calling an emergency meeting for our staffs and discuss your words, for them to know the trick"

"Miss, I think, don't tell it to anybody yet until we got the title"

"Why?" nagtatakang tanong nito ng makatayo s'ya.

"Wala naman Miss, hindi lang tayo nakakasiguro, hindi natin alam baka kaya hindi nangunguna ang Dosenyo kasi may spy ang competitors rito sa kumpanya" nakangiti kong sabi rito.

"Sabagay, anyway, I'm going to check on updates and reeservations" pagpapaalam nito na aking nginitian lamang.

Gaya ng napag-usapan namin ni Miss Puego ay dali dali akong gumawa ng disenyo, lumilipas ang mga oras at mabilis kong natatapos ang sketches ko sa iPad na nasa aking table habang bumubuo naman ako ng content sa laptop. Mabilis natapos ang araw at nag-uwian na ang lahat. Sabay kaming umuuwi ni Sandy dahil s'ya ang may sasakyan.

Lumipas ang tatlong linggo at nabuo ko ang presentasyon na aming ipanglalaban at iyon ay mabilis na inaprubahan ng mga boss ng kumpanya. Nakaugalian na namin ni Sandy na sabay umuuwi at kumakain ng Lunch. Nakapag exam na rin ako sa UP at lumabas ang resulta na nakapasa ako. Hinihintay ko na lamang ang unang salary ko upang mabili ang mga pangangailangan ko sa pag-aaral at makapag simula na sa pagkuha ng aking huling taon sa kolehiyo.

"Alam kong tayo na ang mananalo this time" sabi ni Sandy ng minsa'y nasa biyahe kami pauwi ng apartment.

"Nako e sana nga Sandy" masayang sagot ko naman dito.

"Alam mo bang mamayang 8PM ipopost na sa FB ang entries ng lahat ng kumpanya na kasali?"

"Talaga?" natutuwang kinakabahan kong tanong.

"Oo, at ito pa, limang oras lamang ay pribado na naman ang post na iyon at iscore-an ng judges." Paglilinaw at pagpapaliwanag nito sa akin.

"Hala 8:05 na e!"nagulat kong sambit ng makita ko ang oras sa aking cellphone.

"Talaga, hala icheck natin ang progress ng vote" agad s'yang nag open ng FB, ako naman ay sumilip lang sa cellphone n'ya dahil wala naman akong FB pa.

"Ay grabe yung Citrus 5k votes na agad in 5 minutes? Talo na tayo d'yan" malungkot kong sabi kaya agad hinanap ni Sandy ang sa Dosenyo at laking gulat naming dalawa na 15k votes na ang Dosenyo in 5 minutes.

"Effective ka talaga sa company, Ava!" tuwang tuwang sambit ni Sandy.

"Sana tayo na talaga ang manalo ngayong buwan."

"Tayo na ang mananalo d'yan at sure na mataas ang salary mo this month" nakangiting sabi naman nito sa akin.

SANA NGA...

SANA ITO NA NGA ANG SIMULA

Strong Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon