Ava's POV
"Ava!" pagtawag sa akin ni Sandy sa labas ng aking opisina.
"Come in" maikli kong sagot sa kanyang malakas na pagtawag.
"Gurl, Dean's Lister ka sa UP" masayang balita nito sa akin na hindi ko talaga alam dahil wala naman akong social media accounts, nanatiling viber lamang ang nagiging mode of communication ko sa mga nakalipas na araw.
"ANO?"
"Check this. Inupload ito ng Dean's Office 3 minutes ago, inendorse ka raw ng UC."
"Ha? Baka malaman yan ni Mommy? Malalaman n'ya kung nasaan ako" nag-aalala ko namang sagot rito.
"Check mo ang post, wala namang name, pero base sa data alam kong ikaw yan. Check mo ang email mo pag-uwi" umalis kaagad si Sandy dahil na rin siguro oras na ng trabaho.
Sa pag-alis ni Sandy ay nagpatuloy ako sa pagbasa ng ilang notes ko sa online schooling ko habang hinihintay ang resulta ng voting sa buwan na ito.
"Ava" tawag naman ng aking boss mula sa pintuan na agad nitong binuksan.
Inayos ko ang aking upo at iniayos ang libro na aking binabasa.
"Sorry po Miss, first term exam ko po kasi sa Saturday, pasensya na po kung nagrereview ako sa oras ng trabaho." Paghingi ko ng pasensya sa alalahaning isipin nito na nag-aaral lamang ako sa loob ng opisina.
"No, I understand, nasabi na rin sa akin ni Sandy. Well, nandito ako para ibalita na tayo na naman ako nanalo sa buwan ng ito sa contest kaya naman dahil limang beses na tayong nanalo ay napagdesisyunan ng mga boss na itaas ang sweldo mo at bigyan ka ng extra allowance para sa pag-aaral mo." Nakangiting balita ng aking boss sa akin.
Limang buwan na ang nakalipas simula ng unang beses manalo ang Dosenyo kaya naman limang buwan na ako g nagtatrabaho rito at apat na buwan na akong nag-aaral. Pitong buwan na ang aking dinadala kaya naman sinisiguro ko na nakatabi ang lahat ng aking pera sa bangko upang sa oras na kailanganin ay makuha ko agad. Sa aking tantsya ay mayroon na akong naiipon na 565,000 pesos at ibinalita pa ng aking boss na daraagdagan pa ito. Alam kong hindi na ako magtatagal sa kumpanya dahil sa oras na makatapos na ako at makapanganak ay pinaplano kong tumuloy sa Calofornia at kuhanin ang pinapangarap kong paaralan ng medisina. Alam kong magiging mahirap pero pipilitin ko dahil magiging mabilis lang iyon panigurado.
"Thank you so much, Miss. Pero gaya po ng sinabi ko dati sa inyo, aalis din po ako. Nakakahiya man po pero iyon ang kailangan." Mahinahon kong wika sa aking amo.
"Ano ka ba? Marami ka nang naitulong sa Dosenyo at pasalamat ko sa'yo na marami ka na ring natuturuang mga future advertiser sa tuwing may trainings, salamat" maligayang wika nito pabalik sa akin.
Uwian na ng umalis ang aking boss sa aking opisina na kaya naman agad akong umuwi kasabay ni Sandy at tinulungan ako nito mag review, minsa'y sa kwarto ko na ito natutulog dahil bilin ng kanyang ina na huwag akong pababayaan gayong malaki na ang aking tiyan. Hindi ko ito inaasahan na makakayanan ko ang lahat ng hirap at sakit. Kasama ko rin si Aling Norma at Sandy ng bumili kami ng mga gaamit ng baby matapos namin malaman ang kasarian ng bata. Ako ay nagdadalang tao sa isang lalaki at ito ay pinaplano kong pangalanang Khaleed.
Mabilis tumakbo ang mga buwan, natapos na ang exam at nagsimula muli ang ikalawang termino ng pag-aaral, na kasabay ng buwan ng aking panganganak. Tinutulungan ako ng mag-ina na humanap ng magiging kasama sa buhay ngunit napagdesisyunan naming lahat na si Sandy na lang ang makakatuwang ko pansamantala habang tinatapos ko ang last year ko sa college.
BINABASA MO ANG
Strong Beautiful Soul
General FictionAre you strong enough to take a new responsibilities? "Look at this ring, this is one of my life, not because on how it looks but because of its value, do you still remember the necklace you gave me when we're in college, this is your first gift to...
