CHAPTER 29

12 9 0
                                    

Kid's POV

Kasalukuyan akong nasa labas ng St.Luke's hinihintay kong lumabas si Ava dahil may date kami ngayon, lalabas lang kami para kumain... ng foods hehe. Two days na ang nakalipas ng maka-uwi kami galing sa Boracay at balita ko nakapagpasok na ng investment si Xy sa Resort ni Ava at hinihintay nila ngayon na mag number 1 sila sa buong Lungsod. Isang oras ko na s'yang hinihintay dito ang sabi ng mga kapatid n'ya expected daw nilang time out ng ate nila ay 3PM kaya naman 2PM pa lang ay narito na ako para hinid ako malate sa usapan namin. Mula ng mang galing sa Boracay naging okay naman kami ni Ava, hindi n'ya pa kinoconfirm kung kami na ba ulit or napatawad n'ya na ba ako pero nararamdaman kong mahal pa ako ni Ava. Paano ko nasabi? The way she kissed me in Bora, she loves me. The way she explained the existence of her ring not just to me but also to my friends, she loves me. Paano ako nakakasiguro? Hindi ko alam pero nararamdaman ko, we still have connection.

"Where are we?" nagulat ako ng makita na lang bigla ang isang napaka gandang babae sa harapan ko, si Ava.

Shit nakita n'ya bang nakatulala ako?

Readers ano? Nakita n'ya ba?

"Where do you want?" tanong ko ng makabawi ako sa kahihiyan na baka naabutan n'ya akong nagdeday dreaming at nakangiti pa.

"What if in my house?" she asked with a smile, she opens the door of my car for herself kasi naman nakatulala lang ako sa bawat buka ng bibig n'ya.

Geez.

"Good, yes mukhang makakaisa!" out of nowhere iyon ang nasabi ko, tangina ka talaga Kid.

"Hindi ka makaka-isa, may bata roon, my son is there, your son is there" nakangising sabi nito na nagpatayo naman sa balahibo ko.

Hindi pa yata ako ready na makita ang anak ko, nahihiya ako sa mga ginawa ko.

"Ano? Gusto mo ba roon o ayaw mo?" pagtatanong muli nito na alam kong nababasa ang kaba ko.

"I'm not ready" sabi ko rito na mukhang hindi s'ya naapektuhan dahil hindi ito nagsasalita, "Hey, don't get me wrong hindi sa ayaw ko ng anak, hindi pa lang ako handa kasi natatakot ako e, nahihiya ako sa kanya" parang teenager na pagpapaliwanag ko.

"He's a bright child, he will understand you, he won't be mad" nakangiting sabi nito sa akin at hinawakan ang kamay ko sa manibela at binitawan din kaagad.

"Paano mo naman nasabi na hindi s'ya magagalit sa akin?" tanong ko rito bilang paniniguro.

"Kasi hindi ko naman s'ya tinuruan na magalit o mag inarte" mabilis na sagot nito sa akin, hindi ko lubos maisip kung paanong nagawa ni Ava lahat ng ito ng mag-isa n'ya lang, nabalitaan kong pinalayas s'ya noon ng nanay n'ya pero wala akong ginawa, mas pinili ko ang pangarap ko.

"Wag mo masyadong isipin, baka mamatay tayo sa daan sa nerbyos mo" wika nito para kalmahin ako.

"Anong pangalan n'ya?" tanong ko dahil ito ang unang beses na makikita ko ang anak ko.

"Khaleed, he's using my surname" sabi n'ya na para bang tinuturuan ako na kumilala ng kalaro.

"Babae ba s'ya or Lalaki?"

"Kid, tell me, are you stupid? Malamang Lalaki, Khaleed nga diba?" natatawang sabi nito.

"Tsk. Ilang taon na s'ya?"

"Turn left in that yellow signage" pagtuturo nito sa akin ng daan ng papasok na kami sa isang eskenita, "He's turning 6" pagsagot nito sa tanong ko.

Strong Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon