Ava's POV
Limang araw na ang nakalipas simula nang paalisin ako ni Mommy sa bahay namin, kasalukuyan akong naglalakad sa loob ng paaralan namin dahil enrolment na ngayon ng 4th year. Inaasahan ko nang sa pagpunta ko rito'y ganon ang magiging reaksyon ng mga tao, bawat hakbang na ginagawa ko'y ganoon na lamang ang bulong-bulungan ng mga estudyante sa akin.
Maging matatag ka
Huwag kang magpadala
Dumiretso ka lang
Malapit ka na sa pupuntahan mong linya
Wag mo nang lingunin dumiretso ka lang
'Yan ang mga salitang bulong ko sa aking sarili nang...
"Ms. Sandoval, here's all your records and documents here in school" iniiabot nito sa akin ang isang long brown envelope na hula ko'y naglalaman ng mga dokumentong sinasabi ng guro sa aking harapan.
"Po? Ma'am mag eenroll na po ako" nagtataka kong iniaabot ang envelope ngunit tinignan lamang ako nito sa mata at hinawakan ang kamay kong umaabot ng envelope.
"Sorry Ava, you are no longer eligible to study here in UC" binaba nito ng mabagal ang mga kamay ko.
"Ma'am hindi po pwede, isang taon na lang po pagbigyan ninyo na po ako. Ano po bang nagawa ko? May bagsak po ba ako? Mahina po ba ang kinalabasan ng thesis ko? Ma'am ano po? Baka pwede ko pa pong ayusin? Last ko na po ito e, makakagraduate na po sana ako." lumuhod pa ako sa harapan nito at lumuhod din ito sa aking harapan.
"Tumayo ka, ito ang kautusan ng Mommy mo, masakit man ito sa amin ngunit wala na kaming magagawa, sa oras na tumutol kami sa kanya, magkakagulo ang lahat, kilala mo ang Mommy mo Ava, paumanhin ngunit inaasahan kong maging matagumpay ka pa rin sa buhay" tinapik nito ang aking likod at tinulungan akong tumayo, sa aking pagtayo ay hindi ko napigilan ang sarili ko at umiyak talaga ako ng umiyak kahit alam kong maraming tao ang nakakakita.
Paalis na sana ako ng inilibot kong muli ang aking mata sa paaralan na humubog sa akin at sa paaralan na naging saksi nang lahat ng paghihirap ko at kasiyahan.
Hindi ko malilimutan ang mga ala ala ko sa iyo UC
Paalam...
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya umiyak ako ng umiyak nang saktong pagharap ko sa aking likuran ay naroon ang aking ina, para akong sinasaksak ng makita ko itong nakangiti sa akin, ngiting hudyat na nagtatagumpay s'ya sa mga gusto nyang mangyari sa akin.
Nang lalapitan ko na ito'y biglang naggawad sa akin ng isang malakas na sampal, batid kong ang tunog no'n ay rinig ng sinuman kaya naman lumuhod ako sa harap nito ngunit imbes na kaawaan ay mukhang mas tumaas ang kopyansa nito sa kanyang pagkapanalo.
"Sa lahat ng nasa lugar na ito, ito ang aking mahusay, maganda at matalinong anak na batid kong hinahangaan ng nakararami sa inyo, ngunit itong anak ko rin na ito ay nagdadalang tao sa lalaking ni minsan ay hindi ginustong panagutan s'ya" nakangiting pagbibida nito sa lahat ng tumayo ako at sinubukan itong pigilan.
"Tama na po!" imbes na pakinggan ay nagpatuloy lamang ito sa kanyang pagtawa at..
"Ano? Nahihiya ka na ba? Wag kang mahiya dahil..." umikot ikot pa ito sa aking paligid at sa pagbalik nito sa aking harapan ay muli akong sinampal nito ng napakalakas.
"WALA KA NAMANG KAHIHIYAN!"sigaw nito na nagdulot sa mga tao nang pagkataranta.
"TAMA NA MOMMY!!" sigaw ko rito nang hindi ko mapigilan ang aking takot at galit.
BINABASA MO ANG
Strong Beautiful Soul
General FictionAre you strong enough to take a new responsibilities? "Look at this ring, this is one of my life, not because on how it looks but because of its value, do you still remember the necklace you gave me when we're in college, this is your first gift to...
