Hindi lahat ng pangako, para sa reyalidad.
Hindi lahat ng ipinangako, tinutupad.
Hindi lahat ng inaakala nating superhero, tigapag ligtas.
Hindi lahat ng pinagkakatiwalaan natin, mapagkakatiwalaan.
Hindi lahat ng minamahal natin, mahal tayo.
Hindi lahat ng sinasabing totoo, tunay.
Hindi lahat ng itinatago, sikreto.
Hindi lahat tayo magiging masaya.
Hindi lahat tayo pinagpala.
Kahit magbago ang lahat ng plano, kung nasimulan na ito... ikapapahamak mo.
"Mom!" iyan ang huling wika ng anak ko bago dumilim ang lahat sa paligid ko, nakita ko kung paano nila ako tinanggalan ng pagkakataong lumaban. Nakita ko rin kung paano nila saktan ang puso ng anak ko. Nakita ko kung paano nila ako pinilit na mawalan ng pag-asa. Ayokong sumuko pero may choice pa ba ako? Nandito na ako e... kung saan ang lahat ng nadarama ko noon... naging hangin na.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kid's POV
"Sorry pare, I can't come tonight" tinapik ko ang balikat ni Gab ng minsang ayain ako nito papunta sa isang restaurant para daw mag dinner kaming magkakaibigan. Gusto kong sumama pero naalala ko ang text message ni Ava sa akin kanina gamit pa ang isang unknown number.
"Osige pare, bumawi ka na lang ha?" pagpayag naman nito sa aking pagtanggi.
"Oo Gab, sabihan mo na lang sila" aktong lalakad na ako palayo ng biglang hawakan ni Gab ang braso ko.
"Bakit may dala kang baril?" nakakunot ang noong tanong nito sa akin ng makita ang isang baril sa aking gawing tagiliran.
"Kailangan kong magdala nito para protektahan si Ava, kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan. Lisensyado ito huwag kang mag-alala. Mauuna na ko" muli ay lumakad ako palayo sa lugar kung saan kami nag-uusap ni Gab.
Mag aalas-sais na rin kaya naman sumakay na ako sa kotse at agad tinungo ang sinasabing lugar ni Ava. 6:10 daw ako pumunta para daw hindi ako maghintay ng masyadong matagal. Nakakagulat na hindi ito nagpapasundo sa akin at may surpresa raw siya sa akin.
Ang daming ebas ni girl, pero nakakakilig.
Habang tinatahak ko ang lugar na sinabi n'ya sa text ay napapansin kong parang namamali ako pero hindi naman dahil iyon ang itinuturo ni Waze sa akin kaya nagpatuloy ako sa paglalakbay sa madilim na eskenitang pinasok ko at natunton ko ang nag-iisang bahay na may ilaw at doon mismo huminto ang pagtakbo ng radar ng mapang sinusundan ko. Pagbaba ko ay agad yumakap sa akin ang malamig na simoy ng hangin, pero kinilabutan ako ng makitang dumating ang nanay ni Ava kasama ang mga kapatid nito at nagpatuloy sa loob.
Pamamanhikan na ba ito?
Hindi pa sana ako papasok dulot ng pag-asang baka may ibang tao pang darating at makakasalo namin ngayong gabi pero may narinig akong isang putok ng baril at sigaw ng isang babae.
Agad akong tumakbo papasok sa loob ng bahay na pinasukan ng pamilya ni Ava, dahil akala ko'y si Ava ang sumigaw ng pumutok ang isang baril pero parang umakyat ang galit sa puso at utak ko ng makitang si Ava ang may hawak ng baril at nakatutok ito kay...
Jeyhan at Aira?!!
Ang anak ko, ang anak ko ay umiiyak sa takot at si Jeyhan ay parang walang kalaban laban sa baril na hawak ni Ava.
BINABASA MO ANG
Strong Beautiful Soul
General FictionAre you strong enough to take a new responsibilities? "Look at this ring, this is one of my life, not because on how it looks but because of its value, do you still remember the necklace you gave me when we're in college, this is your first gift to...