Chesca's POV♡♡♡
Weekend na ngayon!
Oo! Kasalukuyan naming binabaktas ang probinsya namin ngayon. Kailangan namin puntahan si Daddy e, para maipaliwanag namin ang mga side namin.
Napatingin ako sa mirror kung saan nakikita ko sina Mira at Drake na pagyayakapan pa habang natutulog ang dalawa. Oo na! Sumama talaga ang dalawa sa amin e, gusto siguro mapagalitan kaya nagpupumilit na sumama sa amin dalawa ni Hubby.
Napatingin naman ako kay Hubby na ngayon ay nagdridrive. Ang gwapo talaga niya e, sobrang galing magdrive. Hehehe.
"Wifey, hindi ka ba inaantok?" Tanong niya sa akin.
"Hindi naman, Hubby. Bakit ba?"
"Tinatanong ko lang baka kasi inaantok ka. Pwede ka naman matulog e kung napapagod ka." Sambit niya.
"Alam mo, Hubby. Kahit pa inaantok ako, hindi ako matutulog kasi kawawa ka kapag wala kang kausap." Sambit ko.
"Ayieee, love na love ako ni Wifey. Hindi niya ako kayang makitang maging kawawa." Saad pa nito na ikinairap ko.
"Hindi lang naman ako nagmamahal sayo e." Sambit ko.
"Sino?"
"Syempre si baby na nasa tummy. Mahal na mahal ka nito kahit manyak ka."
"Ay grabe! Buohin na kasi natin si baby. Kung mahal niyo ako ni baby." Sambit niya.
"Tumigil ka diyan! Bwisit ka!"
Napabuntong hininga na lang siya bago nagconcentrate sa pagmamaneho.
"Ahmm... Wifey." Pagtawag niya.
"Bakit?"
"May tanong ako sayo."
"Ano?"
"Namiss mo ba ako?" Tanong nito.
"Ha? Bakit naman kita mamimiss, alam naman natin na nasa iisang bahay lang tayo." Sagot ko.
"Namiss mo ba cal cheese ko?" Napalaki na lang ang mata ko sa tanong niya.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa pinagsasabi nito. Umandar na naman ang pagkamanyak niya. Nakakabwisit!
"Wifey, ano na?"
"Bwisit ka!"
"Grabe ka naman sa akin. Hindi mo ba namiss cal cheese ko, e namimiss ko kasi ang yakult mo e."
"Tumigil ka diyan, Kyler!" Singhal ko. "Wag ka naman dumagdag sa stress ko. Natatakot na nga ako sa maaring mangyari sa pag-uusap natin kay Daddy ngayon tapos magtatanong ka pa ng ganyan!"
"E, gusto ko lang naman malaman kung namiss mo ba ang cal cheese ko." Pagpout niya nito.
"Kung sasabihin ko na namimiss ko? Titigil ka na ba sa pagtatanong na 'yan?!" Taas kilay na tanong ko.
"Hindi! Dahil hindi mo ako pinayagan na buohin ang panganay natin."
"Bahala ka diyan! Binibwisit mo talaga ako e! Itigil mo 'tong kotse, bababa ako!" Sambit ko sa kanya.
"Wag naman ganon, Wifey. Sorry na. Okay na tatahimik na ako. Hindi ko na babanggitin ang namimiss mong cal cheese ko."
"Bwisit!" Singhal ko nito na sobrang lakas na ikinatahimik na lang niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Game, Truth of Love
RomanceWARNING | R-18 | SPG | Matured-Content | ! Read at your own risk ! Pangatlong librong bubuksan natin para sa mga G Squad Barkada. Saan na nga ba hahantong ang kwento? Road to Forever or Never? Game, Truth of Love #KyChes #EthaNice #NicVen #MiGie #Dr...